Noon pa man ay lihim nang iniibig ni Catalina si Hustino. Hustino Santiago Flores. Si Hustino ay isang mabait at masunuring bata. Siya ay mapagpahalaga at maingat sa pananalita upang hindi siya makapanakit ng damdamin. Siya ay nagmula sa mataas na uri ng pamilya. Ang kanilang pamilya ang pangalawa sa pinakamayamang pamilya sa Leyte. Sila ay nagmamay-ari ng lupa sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Samantala, si Catalina naman ay nagmula sa simple at may kayang pamilya. Bata pa lang ay kakikitaan na ang pagiging pilyo ni Catalina. Higit siyang kakaiba kumpara sa mga binibini na mahinhin at masunurin. Siya ay may katigasan ng ulo at laging ipinaglalaban ang kung ano man ang nasa isip at damdamin niya. Siya ay isang binibining may paninindigan at walang kinatatakutan. Lahat ng gusto niya ay kaniyang kinukuha. Ngunit isang bagay lamang ang nais niya na hindi niya makuha-kuha. Iyon ay ang damdamin ni Hustino. Noon ay isa lamang itong estranghero na nakakasalubong niya, ngunit isang araw ay nagising na lamang siya na kaniya nang iniibig ang binata. Gustuhin man niyang mapaibig ang binata sa kaniya, ngunit hindi niya alam kung paano niya ito magagawa. Makuha niya kaya ang loob ng binata? Language: Filipino Date Started: May 13, 2024 Date Completed: n/a