Mahalaga ba ang label mo sa isang relasyon? Para saan? Para ba masabi natin na may posisyon tayo sa isang tao? Hindi ba sapat 'yung pareho kayo ng nararamdaman o baka may kulang pa? Nakakalito man pero sa bawat hamon na nararanasan mo, unti-unti mong maiintindihan kung alin ba ang kailangan mangibabaw at kailangan bitawan.