Unang tapak palang ni Mclaren sa Death Race ay gusto niya ng maging bida-bida. Kaya nga prinoklama niya ang sarili bilang leader ng Expedallion Crusader dahil proud siya sa leadership skills niya. Pero nagkataon na may isa pang bida-bida sa grupo nila. Sino ito? Ito lang naman ang sipsip at papansin na si Mazda. Lagi nitong kinukwestyon ang opinyon niya. Lagi nitong nilalait kung ano man ang gusto niya. At lagi din nitong pina-iinit ang ulo niya. Pero kasabay nito, ay pina-iinit din nito ang katawan niya sa kama. (Boyslove/Genfic/Sliceoflife)