..... MY GAY BESTFRIEND ..... (by Eischelle) Prologue Halos lahat ng mga kababaihan ay nahuhumaling sa mga mala-prinsipeng lalaki na syang nagiging pantasya nila. Yung tipong mala-Coco Martin sa kagwapuhan, mala-Ejay Falcon sa kamachohan at mala-Edgar Allan Guzman sa lakas ng appeal. Pero paano kaya kung baguhin natin ang imahe ng isang leading man sa isang istorya? Marami pa kayang mahuhumaling sa kanya? Kaya niya kayang makuha ang kiliti ng mga kababaihan? Heto na po, sana'y magustuhan ninyo ang handog kong kwento :) The Fieldtrip :) "Naku naman! kahirap pala mag ayos ng gamit. Nasanay kasi akong si mama ang laging nag-aayos eh! Susunduin ko pa naman si Clara sa kanila." Siya si Harvey Bustamante, ang nag-iisang anak na lalaki ng kanyang ina. 2nd year college na at kumukuha ng fashion designing. Oh dba bongga ng lola niyo! ^_^ Sa kabilang bahagi ng kwento, "Nak, mag-iingat ka don ha! Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag kang magpapagutom." yan ang mama ni Claire, si Louie. (Take note: babae yang si Louie ha, kaya nga mama eh) "Ma, hindi na ako bata. Saka isa pa kasama naman namin ang adviser namin eh! Wag O.A. ma ha. fieldtrip lang po ito, hindi pa po ako aalis ng bansa." Siya naman si Claire Antoinette Mondejar. Ang nag-iisang anak nina Aries at Louie Mondejar. "Oo nga naman. wag mo ng babyhin yang anak mo, ang laki-laki na nyan." Aries "Oh sige na, andyan na ang sundo mo baka mahuli pa kayo." Louie "Sister, halika na, bilis na, male-late na tayo!" ang super O.A. na entrance ni Harvey sa bahay nila Claire. "Sandali lang! Nagmamadali te?" "Bilisan mo na, excited na ako!" "Harvey, ingatan mo yang anak ko ha. Sayo ko yan ipagkakatiwala." bilin ni Louie. "Yes Mother! Your daughter is safe with me." isipin nyo na lang na sobrang beki ng pagkakasabi ni Harvey dyan :)
19 parts