Isang tipikal na mahirap lamang sina Erika. Naninilbihan sila ng kanyang ina sa asiyenda ni Don Carlos. Mahirap man ang kanilang pamumuhay naging kontento naman ang mag-ina sa kung anong meron sila at kung anong ibinibigay sa kanila ni Don Carlos. Dahil sa angking talino ni Erika, at dahil na rin sa dedikasyon niyang makapagkolehiyo sa isang tanyag na unibersidad ay pinag-aral siya ni Don Carlos. Naging mabait si Don Carlos sa mag-ina, parang tunay na apo na ang turing ng matanda kay Erika. Matagal na rin kasi silang naninilbihan sa pamilya Salcedo kaya palagay na ang loob nila sa kanila. At dahil nakapag-aral na nga si Erika sa pinakagugusto niyang unibersidad, nagsimula na siyang mangarap kahit na madalas siyang api-apihin ng mga mayayaman at heredera niyang mga kamag-aral. At sa mga pangarap niyang iyon, kasama ang lalaking pinakahinahangaan niya sa lahat. Magsisimula ang kanilang masalimuot na mundo kapag sila'y nagtagpo ng panahon at tadhana. Abangan!