Totoo ba Talaga ang forever? a. Hindi b. Letter A c. Both A and B HAHAHAHA :D Ang bitter naman ng question, kasing bitter ko. Nahiya tuloy ang ampalaya sa akin. Ngunit hindi naman talaga ako bitter. Natural na reaction lang yan sa taong nasaktan. Nasubukan niyo na bang magmahal na halos ibinigay niyo na ang lahat sa taong iyong pinupusuan ngunit sa isang iglap mawawala lang siya sa iyo. Ang saklap diba? Sana sa isang iglap din mawala ang sakit, ngunit hindi eh. It takes a long process to heal the pain. At kahit na naghilom na ang sugat may mga pilat pa rin na palatandaan ng sakit na iyong kahapon. Subaybayan niyo ang babaeng Hindi naniniwala sa FOREVER dahil minsan na itong nasaktan ❤ Makaya kaya niyang burahin ang mapait na kahapon at bigyan ang sarili ng pangalawang pagkakataon upang maniwala sa forever o habang buhay siyang maniniwala sa mga katagang palagi niyang bukambibig.