Meet Trixie Tisay at maganda. Ngunit dahil sa kawalan ng magulang at pag aaruga ay napariwara ang buhay. Naging palaboy at rumaket ng kung anu ano para lang mabuhay. Hanggang sa dumating sa kanyang buhay ang lalaking magpapatunay sa kanya na may forever. Meet Rick Macho gwapito at habulin ng mga matrona. Nakilala ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso sa hindi inaasahang pagkakataon. Handang gawin ang lahat para sa minamahal kahit ang ibig sabihin nito ay isakripisyo ang sariling kaginhawaan. Kung paano napatibok ng isang snatcher ang puso ng isang makisig na lalaki ay tunghayan dito sa bagong kwento ng kakaiba subalit makatotohanang kwento ng pag ibig.