Sa panahon ngayon, usong-uso ang salitang "paasa", lalo na't kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa pag-ibig. Na pinaasa ni ganito si ganyan, iniyakan ni ganyan si ganito, dahil si ganito ay nagbigay ng motibo. Pero, ano nga ba ang nangyayari o nararamdaman ng isang taong umasa? Anong tumatakbo sa isip ng mga taong ito? Alamin natin.