Mula sa mahirap na pamilya si Jane. Isa lamang siya sa mga taong gustong makahanap ng trabaho sa Maynila pero nag-iba ang hinip ng hangin ng kanyang landas. Sinubukan niyang maging isang katulong sa isang pamilyang kilala at makapangyarihan. Nung una isa pa lang ang kanyang pinagsisilbihan hanggang sa maging apat ito. Ubod tanging inis niya lalo na sa panganay nila na tinatawag niyang mahangin boy. Sa kabila ng kanyang inis patuloy pa din siya sa kanyang trabaho at sa hindi namalayan ay nahulog sa loob neto. Pero hindi rin naman happily ever after ang lahat dahil hindi sila puwede sa isa't isa. Ang mahirap para lang sa mahirap at ang mayaman ay para sa kauri nilang mayaman. Ang mas masakit ay akala ni Jane ay mahal siya neto ng lalaki pero pinagpustahan lang pala siya ng magkapatid, at siya ang talo. Hindi lang ito nahulog kundi mahal niya na ang lalaki. Laking pagsisisi ni Jane ng nagbunga ang lahat sa kanilang ginawa ng lalaki. Paano pa kaya makakabangon si Jane sa kabila ng lahat ng nangyari? Hindi lang siya nasaktan dahil kulang ang sakit sa puso niyang durog na durog na.