Nagsimula akong maghukay.. Subalit laking gulat ko ng makitang may malalim na hukay na duon at nakalitaw na ang box na pinaglagyan ng diary at locket. Nanginginig ang mga kamay kong binuksan iyon ng dahan dahan.. Wala nang laman! Nanlalata akong napaupo sa gilid ng arko at nagsimulang umiyak.. Wala na! Wala na ang lahat ng alaala ni Ricardo. Wala na ang katibayan na totoo ang lahat ng naaalala ko Na totoong nakabalik ako sa taong 1915 at duon natagpuan ang tunay na pagmamahal.. "Hey.." Alalang alala na lumapit sa akin ang lalaking iyon. "Are you ok? " Tanong niyang muli habang inaalalayan akong tumayo. Tinabig ko ang kanyang mga kamay "Do I look okey? Pabulyaw kong sagot sa kanya.. "Wala na yung kaisa isang alaala na mayroon ako.. Yung alaala ni Ricardo.. Yun na lang ang huling pag asa ko e.. Yun na lan.. " At hindi ko na mapigilan ang paghagulgol.. Lumapit si Alden sa akin at niyakap ako. Buong pagmamahal ang yakap niya. Napapikit ako. Start: 08/24/15 End: 08/26/15