Ako si Joy. Parati akong nawawalan ng pag-asa sa mga bagay na alam kong hindi ko kayang magawa. Wala rin akong bilib sa sarili ko. Napaka-duwag ko dahil hindi ako makalaban sa mga taong nang-aapi sa'kin. Nasasaktan ako dahil sa mga salitang sinasabi nila sa'kin... Hirap na hirap na talaga akong mahusgahan. Kahit na ginawa ko naman na ang lahat para magbago at para mapatunayan ang sarili ko, mayroon pa rin silang nasasabing hindi maganda. Kasalanan ko ba kung ganito ako? Ginusto ko ba 'to? Sa tingin ba nila natutuwa ako na ganito ako? Sana makayanan at malabanan ko 'to. Sana matutunan ko ang hindi damdamin ang bawat salitang kanilang ibinabato. Dahil... ayoko ng maging Hopeless Joy. Started: May 12, 2018 Highest rank: #340 in Tagalog