Sheyrell Arayata, siya ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapasakanya si Jedrien Hillario. Ang lalaking kinababaliwan niya Since birth. Sabi niya nga, "tanga na kung tanga, pag nag mamahal ka. Walang pero pero. Isusugal mo lahat para lang mapasayo siya" yan ang lagi niyang sinasabi. Ginagawa niya ang lahat para lumayo ang mga nagkaka gusto kay Jay (Jedrien) Ganon siya kapatay kay Jay. Lahat lahat, gagawin niya para lang mapasakanya si Jay. Siya nga ang tinatawag na "KONTRABIDA" Dahil wala na siyang ginawa kundi harangan ang mga nagkakagusto sa mahal niya. Ang tanong, natutuwa ba si Jay sa mga ginagawa niya? Pano kung, si Jay na mismo ang mag sabi na lumayo na si Rell? (Sheyrell) Kakayanin ba ni Rell na lumayo sa lalaking mahal na mahal niya? At pano kung...sa oras na mawala si Rell, doon naman marealize ni Jay na mahal niya na ang isang... KONTRABIDA.