This story is originally written by LIYAM JULIAN :) in cooperation with LOVe OUR BLOG POST “Mangako kang sa akin ka lang titingin hangga’t wala pang ibang lalakeng nakakakuha ng atensyon mo...” Tumango si Bambi. “At kung may bago ka mang napupusuan...gusto kong sabihin mo sa akin agad...” Tumangong muli sa Bambi. “Pero wag mong aasahang ganun kita kadaling pakakawalan!...” pinunasan ni Rhys ang huling luhang lumandas sa mga pisngin ni Bambi at nagsalitang muli. “Hangga’t hindi ko nasisigurong karapat-dapat ang lalaking iyon para sayo. Kalian ma’y hinding-hindi kita bibitawan, kahit dumanak pa ang dugo.” Niyakap ni Bambi si Rhys ng napakahigpit na para bang wala na syang balak na bitawan pa ang kasintahan. “Pangako Rhys!” masaya nitong sabi. At sa pagpatak muli ng mga bagong luhang iyon...hindi na iyon sanhi ng paghihirap ng kalooban kundi ng bagong pagkakataon para mapunan ang mga pagkakamali.