Kasabay ko na naman ngayon pag-uwi 'tong si Def. Syempre may choice pa ba ako? Eh kapitbahay ko naman ang kumag kaya sabay na kami pag-uwi. As, usual hawak na naman nya yung Iphone nya at naglalaro ng basketball sa Messenger nya. Nakakairita na nga eh! Andito lang naman ako lagi sa tabi nya pero mas naka-focus pa rin sya sa paglalaro na yan, ganun na ba talaga sya kawalang pake sakin?! Tssh. Hirap din namang maging invisible sa Crush mo eh noh? "Mabangga ka sana. Tssh." "Ano?" tanong nya " Sabi ko Mabangga ka sana!! Psh!" "Ulit Pa'y Hahaha" "Aaarggh! Bwisit ka talaga!!!"