Apatnapung minuto. Mayroon kang apatnapung minuto bago tuluyang umabot sa utak at kumalat nang buo sa katawan ang sakit. Ilang sintomas. Pagkahilo. Pagsusuka. Delusyon. Walang maaring ibang gawin sa nakararanas dahil sa anim na dekada ng pagkalat ng sakit ay wala pang lunas. Kadalasan ay pinipili ng iba na sila ay paslangin na lamang agad kaysa daanan ang apatnapung minutong tagal ng pagkalat ng sakit sa kanilang katawan. Mas mabuti na ang tapusin ang buhay dahil sa katapusan ng apatnapung minuto...ikaw naman ang tatapos sa buhay ng iba.