Istorya ito ng isang fourth year student na sobrang taba. Mabait naman siya pero hindi pa rin yun pinapansin ng iba. Isip bata kung minsan, o minsan naman eh parang isang ina kung manaway. Isa siyang accident prone kung kaya't meron talaga siyang bandaid sa kanyang bag. Palagi itong tahimik at parang wala talagang pakialam sa mundo. Pero huwag ka, kahit siya'y isang tahimik na tao, mahal mahal siya nito ng kanyang mga best friends. Atsaka, lagi nila itong pinagsasabihan na magDIET, pero ayaw talaga. Last year niya na ito kung kaya't may surpresa si Tadhana para sa palaging gutom at...Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang