Isang model girl ang magagambala sa pagdating ni Edward na isang manikin na naging tao. Para tuluyang mawala ang sumpa sa kanya ay kinailangan niya ang tulong ni Rhea. Naging daan para sa dalawa na makilala ang isat isa ng husto at ang nakaraan ni Edward na babago sa kanilang dalawa. Sa paghahanap ni Edward sa katotohanan, ay mahahanap naman ni Rhea ang pag-ibig na matagal na niyang hinihintay. Ngunit kasabay nito ay ang katotohanan sa pagkatao ni Edward na magiging hadlang para masabi ni Rhea na iniibig niya si Edward.