Hindi ko akalain na darating ako sa puntong 'to. Na mahuhulog ang loob ko sa taong pinaka hindi ko inasahang makakapagpatibok ng puso ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako mahuhulog sa kanya pero mukhang hindi ko na yun matutupad. Ayoko sana pero huli na ang lahat. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahalin sya. Ang bestfriend kong si Woohyun, sya ang nagbigay ng totoong kahulugan ng pagkakaibigan. Ngayon ba ang totoong kahulugan na ng pag-ibig ang ibibigay nya? Lahat na ata ng gusto ng babae nasa kanya na. Gwapo, mabait, matalino, magaling magluto, magaling kumanta at sumayaw. Sinong hindi maiinlove sa kanya? Will I continue to be his bestfriend? Or will I risk the friendship we had for the sake of my feelings for him?