Ang taon ay 1896. Ang mapagpalang taon ng katuparan ng matagal nang paghahangad ng kasarinlan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng armadong pakikibaka laban sa merkantilistang Kastila sa luob ng tatlong siglo, tatlong dekada at tatlong taon. Isang dating lakas-pandaigdig na lubos na pinahina ng mga kaguluhan sa Europa bago, habang at pagkaraan ng Himagsikang Pranses; ang lumang emperyo ng Espanya'y unti-unting nahati ng mga karibal nito't mga bagong sibol na lakas-pandaigdig : Alemanya, Ingglatera, Pransya, Amerika at Hapon. Mananaig kaya ang mga rebolusyonaryo laban sa mga dayuhang nakasakop, at sa iba pang dayuhang mananakop, na nagtataglay ng mga bagong gawa at sanay na sandata? Tunay nga kayang magkakaruon ng "kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran" pagkatapos ng lahat? Tunghayan ang akdang ito na idinulot ng puot, tinigmak ng luha, hinamig ng pag-ibig at sumasaklaw sa magulong yugto ng kasaysayan ng bansa nati't ng buong daigdig... ________________________________ Karampatang pag-aari © 2014 ni Siniphayo
5 parts