Image on cover photo is not mine. Credit to the rightful owner/s. Magkababata ang mga kuya ni Elle at si Bob. Si Bob na dakilang asungot sa buhay niya noon pang mga bata sila. Si Bob na mahilig magsuot ng violet na damit at mukhang jejemon. Umalis ito para magtrabaho ngunit nagbalik ang asungot sa buhay niya nang umuwi ito mula sa pagtatrabaho sa gitna ng laot. Bob is a seaman. Hiniling niya noon na sana ay kidnapin ito ng mga syokoy at sirena sa dagat pero hindi natupad. May sa agimat yata ito. At mukhang totoo iyon dahil simula ng bumalik ito ay parang tinatablan siya ng mga pambobola nito sa kanya. Ang toxic na ngang buhay ni Elle sa call center ay mas lalong naging toxic nang muli siya nitong guluhin. Pati puso niya ay ginulo nito. Pati rin ang namumuong pagtitinginan nila ni Jesse ay binulabog nito. Then one day, she started to lose control of her feeling. She let him be part of her life. Malaon sandali ay narealize ni Elle na worth it ang pagbibigay ng chance kay Bob. Bob seems too good to be true with his words. Pero may pumagitan sa love story nila. And Bob let that woman ruin their feel good romance...