"Hindi ka nag-iisa sa katamaran. Buti ka pa nga tamad lang sa bahay e. Ako pati sa opisina. Sa sobrang tamad pati boyfriend hindi ko na makuha." Paano nga ba kung ang akala mong tipikal na love story na nababasa mo sa mga libro o napapanood mo sa tv ay mangyari sa iyo ngunit may kakaibang wakas? Nakakasawa mang basahin, hindi ka parin napapagod sa kakabasa at kakaisip na "baka mangyari sa akin." Ano nga bang storya ang mayroon sina Zea at Johnny na magpapabago sa isip mo?