Madami tayong bagay na nagagawa sa ating buhay na kung maibabalik lang natin ay gusto nating baguhin, isa na dito si Leonard Charles Aguilar na gagawin ang lahat upang makabawi sa taong pinakamamahal niya na si Raven David, ngunit paano niya magagawang bumawi kung isa na siyang kaluluwa, may paraan pa ba para makabalik siya sa taong mahal niya na labis na nagdurusa sa pagkawala niya?