[ 3 ]

0 0 0
                                    

[3]

I sighed.

Masyado silang ninenerbyos sa tuwing gigisingin si Neifile. Well, who wouldn't? The last time someone disturbed her sleep faced her wrath. Kaawang estudyante. Napatalsik sa school ora mismo. Dahil dun ay naging sobrang ilag ang mga estudyante sa kaniya. Everyone knows what she's capable of and alam din namin na wala pa sa kaniyang kalingkingan ang mga bagay na pinakita niya noon.

They're being cautious everytime she's around. For them, Neifile Decameron is someone you don't want to mess with. Someone, whom you shouldn't be on her bad side and face her wrath afterwards. But for us? She's a mystery to be solved at midnight.

"Laura!" napaigtad ako sa gulat. Sinalubong ko ang kanilang mga tingin na may pagtatanong sa aking mga mata.

"You spaced out. Andito na si Nei. Let's eat" Eli said.

Tumango lang ako at nagsimulang kumain. Ganoon din sila habang nagkkwentuhan. Nefile and I aren't fond of talking too much unlike the three na hindi maubusan ng topic sa tuwing nag-uusap. Maybe because only child lang ako at wala naman akong nakakausap sa bahay dahil busy sa trabaho ang parents ko.

"Pam" tawag ko kay Pam nang maalala ko na may itatanong nga pala ako sa kaniya.

Tumingin ito sakin na nagtataka.

"Tell me about the Drys and the myth" pahayag ko sa kaniya. Her curious facial expression changed into something with the hint of recognition.

"Ahh. Yung kinukwento ko sayo last week tapos di natapos?" masiglang tanong nito. Tumango naman ako.

"Anong kwento?" pagsingit ni Eli sa usapan.

"Kasi last week pa pinaguusapan yung tungkol sa Drys" panimula ni Pam.

"Oh. About that" sambit ni Lia kaya napatingin kami sa kaniya.

"What about it?" pagsali ni Nei sa usapan. Marahil na nakuha din nito ang kaniyang atensyon.

"Well, we all know na Drys is very popular in Oakwoods Academy but nonetheless, no one knows what does it looks like. Many students tried to get through the maze but none of them succeeded. Sa tuwing sinusubukan nila ay lagi silang bumabalik sa kung saan sila nagsimula." ani Lia. Tahimik kaming nakikinig sa kaniya kahit na alam na namin ang impormasyong iyon. "In addition, kung meron man na naging successful at nakita iyon ay laging hindi na muling nakita pa"

"That's true. I've heard about Sonnet Canzoniere's case before I enrolled here. This case happened four years ago, on the 29th of February. Sonnet is quite well-known in their batch. She's the Student Council President and their valedictorian. With her beauty and brains, she's quite a catch. Buti na lang all-girls school ang Oakwood Academy. So going back to the case, they said that on the 29th of February, she went inside the maze while her friends stayed outside. They've waited for her return for about four hours but she didn't. They called for help. The faculty and staff entered the maze to look for her but after two hours, they've reached where they entered. They even call for police but still no luck. This case remained unsolved until now." seryosong kwento samin ni Pam. "She's not the only person na hindi na nakita pa matapos pumasok sa maze upang makita ang Drys. Pero lahat sila ay mayroong pagkakapareho"

"And that is?" tanong ko dito.

"They went missing on February 29" narinig kong napasinghap si Eli at Lia na tila di makapaniwala. Maging ako ay ganoon din. Si Neifile lang ata ang hindi dahil hindi man lang ito nagreact.

"You mean to say, sa tuwing sumasapit ang February 29 ay may nawawala na estudyante ng Oakwood Academy?" mabilis na tumango si Pam upang kumpirmahin ito.

Binalot ng katahimikan ang aming table matapos iyon. Bawat isa sa amin ay malalim ang iniisip dahil sa nalaman. Hindi alintana ang ingay sa cafeteria.

Madaming tanong ang bumalot sa aking isipan. Bakit hindi nila nahanap si Sonnet at ang iba pa na nawala? Anong meron sa maze at kahit na anong gawin ng sino mang pumasok dito ay lagi silang bumabalik sa kung saan sila nagsimula? Anong nangyari sa mga hindi nakabalik sa labas ng maze? Bakit sa tuwing February 29 may nawawala? Bakit?

But most of all, there's one question na talagang nais kong malaman ang kasagutan.

Tale of DrysWhere stories live. Discover now