PROLOGUE

32 6 0
                                    

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga gawa ng mga bata sa kanilang mga assignment. Nakakatuwa lang isipin na ang mga bata na ito ay alam na kaagad kung ano ang mga gusto nilang maging paglaki.

May gusto maging doctor, lawyer, police. May gusto pa ngang maging kriminal kaya grabe ang hagalpak ko ng tawa. Pero sa lahat iisa lang ang itinabi ko dahil hindi ko gets ang nakalagay doon.

I told my students to draw what they wanted to be when they grew up and surprisingly, that kid drew something like a frame. I dont know. Hindi ako sigurado. Parang rectangle lang ito na may mga design sa gilid. Di ko talaga mapoint out kung ano yun kaya napagdesesyunan kong kausapin ang batang yun.

Saktong alas tres pasado ay nagpapaalam na sa akin ang mga bata habang dala dala ang kanilang bag. I immediately called that kid.

"Khalil, pwede ba kitang maka usap?"

Tumango ang inosenteng bata bago nagpaalam sa mga kasamahan nya.

Bigla akong naguilty kasi bibili pa raw sila ng ice cream sa labasan. Oh well, mabilis lang naman ito. Im sure makakahabol pa sya sa mga kaklase nya.

"Yes po maam?"

Inimwertsa ko syang maupo sa harap ng table ko at pinakita ang ginawa nyang assignment na pinasa kanina.

"Maari ko bang maitanong kung ano ang ibig sabihin nito?"

"Salamin po."

Sinuot ko ang jacket ko bago lumabas ng classroom. Nagpalinga linga pa ako at nang makita ang isa kong co-teacher ay sabay na kaming pumunta ng office. Nagpatawag kasi ng meeting ang Principal kaya agad ko ring dinismiss si Khalil matapos nyang sabihin ang salamin. Yeah, anong connect ng salamin sa kung anong gusto nya paglaki?

Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako.

"Sir Chad, kamusta ka na?" ngiting tanong ko.

"Aysus! Nawala lang ako ng tatlong araw namiss mo na ako Ma'am Yssa?"

Nginitian ko na lang sya at hindi na umimik.

Even if I said no, whats the point? He wont listen anyway. Sayang lang sa energy.

So ayun nga, pagdating namin sa Office ay nakataas na kilay ni Maam Joy ang bumungad sa amin.

I know, I shouldn't judge her but I sense bad vibes. Mukhang mahihirapan akong pakisamahan ang substitute teacher na ito.

"Miss Cayapas, you are 3 minutes late."

I looked down. Nagulat naman ako ng bigla na lang akong akbayan ni Sir Chad at pisilin ang balikat ko. Well, somehow, nakahinga naman ako ng maluwag, pero masyado na siyang touchy sa akin lately.

"Pasensya na po Miss Joy. Inantay nya pa kasi ako eh."

Umirap na lang si Maam Joy bago naunang pumasok sa loob.

Sir Chad and I looked at each other then he whispered; "Wag mo syang pansinin Maam Yssa, hindi lang pantay kilay nun."

Humagalpak na sya ng tawa at napangiti naman ako. Parang mas nakakatawa pa ang tawa nya kesa sa sinabi nya. Hehehe.

We all sat on our perspective seats then the Principal cleared her throat. I suddenly feel embarrassed. I understand kung bakit ganun na lang ang sinabi sa akin ni maam Joy kanina dahil kami na lang ang kulang.

Everyone was already on their seat. Nakita ko ang mga teacher ng bawat grade level and I smiled apologetically at them. 

Nakakahiya...

"Good afternoon maam Yssa." bati ng katabi ko.

Ngumiti ako at tumango. Binalik ko rin ang pagbati.

"Good afternoon po Maam Chin." ngumiti sya sa akin.

Capturing The Exact MomentWhere stories live. Discover now