01

22 5 0
                                    

"Ang mahal ng ice cream. Tsk. Kulang pera ko. Yssa, pautang naman." ani Clem at nilahad sa harap ko ang palad nya.

Kumuha ako ng bente sa wallet ko at binigay sa kanya.

She showed her smile before turning back para makuha ang ice cream at makapag bayad.

Anong mahal doon? Thirty pesos lang naman yun tapos mahal pa? Grabe naman ang kulang nya, bente. Parang ako na nga ang nagbili eh.

Pero hind na ako nagsalita. Alam ko naman na mamimigay ang babae na yun atsaka hindi naman yun madamot.

Naupo ako sa isang upuan at doon na lang sya inantay. Mga limang minuto pa bago sya makabalik. Bigla naman akong nagduda, sumilip ako kanina at walang nakapila. How come na ang bagal ng babae na ito? Pero mas lalo akong nagduda ng pagbalik nya ay dalawang ice cream na ang dala nya.

Nilapag nya ang isa sa harap ko. "Oh, yan sayo."

"Clem, akala ko ba kulang ang pera mo? Saan ka nakakuha ng pambili para sa isa?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang binigay nya.

Cookies and cream? Not bad.

Umupo sya sa tapat ko bago ngumisi. "Ano pa ba? I have ways."

Nakaamba na ng batok ang kamay ko kaya dali dali naman syang ngumiti at nag peace sign.

"Joke lang. Nasalubong ko ang kakilala ko na may utang sa akin kaya siningil ko. Okay na?"

Wala na akong sinabi at binuksan na lang ang ice cream ba binigay nya at nagsimulang kumain.

Hindi pa sya nakuntento sa ice cream na binili nya at bumili pa sya ng isa. Share na lang daw kami doon. Wala naman akong problema, parang kapatid ko na rin ito. Masyadong alagain.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos ang binili namin. Umabot siguro kami ng mga isang oras sa pagtambay dito at pag-uusap ng mga bagay na walang kabuluhan.

Paglabas namin ay may mga nagkukumpulang tao hindi malayo sa amin.

"What happened there?"

Wala naman akong balak na puntahan yun pero dahil likas na chismosa ang kasama ko, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na kasama si Clem na nanunuod.

May dalawang lakaki na masama ang tingin sa isat isa at paryas nakakuyom ang kamao. I looked around and most of them are recording this.

Nagsimula nang magpatunog ng kamay ang lalaking naka hoodie na blue at bahagyang umigting ang panga nya habang nakatingin sa lalaking kaharap nya. Nagpapakiramdaman pa bago naunang sumugod ang isang lalaki para suntukin ang kalaban nito.

Agad naman akong napasinghap at napahawak sa kamay ni Clem. I also closed my eyes at nakinig na lamang. Gosh! I can't watch what is about to happen. Hindi ba naiibahan ang babaeng ito? Ang lakas naman ng loob ni Clem.

"Anong akala mo sa akin?! Puro satsat?!"

"Eh yun lang naman diba ang alam mo?!"

"Tumahimik ka!"

Nakarinig ako ng pagtama nang kung anong bagay sa semento kaya mas lalong napahigpit ang hawak ko kay Clem.

"Ano nang ginagawa nila?" mahinang bulong ko.

"Ayun, nagbubugbugan ang dalawa tapos vine-videohan naman sila ng karamihan."

"V-video? Hindi ba natin sila mapigilan sa pagkuha ng video?"

Naramdaman ko ang pag iling ni Clem.

"Pupwede naman, ang kaso karapatan din kasi nila itong videohan o ireport kung gugustuhin nila." then she sighed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Capturing The Exact MomentWhere stories live. Discover now