chapter 12

38 3 0
                                    

"Never leave my side, Corona."

Napangiwi na lang ako ng maalala ang sinabi si Uno. Lagot ako.

Siguradong ibabartulina na nya ako pag nagkataon.

Napalinga-linga ako para alamin kung saan nga ba ako dumaan kanina pero nakalimutan ko na. Kanina pa akong paikot-ikot dito pero hindi ko na makita si Uno.

Nawawala si Uno. Hayyy. Oo na. Nawawala ako.

Kasi naman masyado akong naexcite.

May sinagot kasi na tawag mula sa cellphone nya si Uno tapos nalingat lang ako sandali nawala na sya. Hehe. O baka baliktad.

Napakabagal kasi ni Uno eh. Kaya nauna na ako sa kanya at heto ako ngayon hindi alam kung nasaang lupalop na.

"Really?"

"Yeah. Galit na galit na ang King at balak nya ng pasabugin ang buong university."

"Why daw?"

"Hindi ko alam eh. Yun lang ang alam ko."

"Jeez. Mahirap na kapag nagalit ang King. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako."

Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang usapan ng dalawang babae na dumaan sa harapan ko.

Sino naman kayang King ang pinag-uusapan nila?

Ipinagkibit balikat ko na lang kung sino man iyon at hinabol ang dalawang babae. Sila ang unang estudyante na nakita ko. Akala ko hindi na ito school dahil walang pakalat kalat na mga estudyante.

"Excuse me Miss." Tawag ko dun sa mga babae na nakataas ang kilay na nilingon ako. Napakataray naman nila.

"What?" mataray nilang tanong.

"Ahm. Nawawala kasi ako-"

"We don't care." Sabi nung babaeng mukhang kinuskusan ng floorwax ang pisngi saka ako tinalikuran.

"Wag kang pakalat kalat. Baka makita ka ng King. Masama pa naman ang mood nun ngayon." Sabi naman nung babaeng maikli ang buhok at sumunod na dun sa babaeng mataray.

Napanguso na lang ako. Nakakatakot ba talaga ang tinatawag nilang King?

Muli ay naglakad lakad ako baka sakaling may makikita ulit akong estudyante na pwedeng mapagtanungan kung kilala nila si Uno at kung saan ko matatagpuan ang lalaking iyon.

Napagod ako kakalakad kaya naupo muna ako saglit sa bench na nakita ko. Kinakabahan na ako dahil mukhang wala namang estudyante ang school na ito.

"Nandyan si King at galit na galit. He's finding something."

"Did he lost something precious to him."

"I don't know. Basta balak daw nyang pasabugin ang buong university."

"Really? He'll do that?"

"Yeap."

"Mukhang mahalaga nga ang nawawala sa kanya."

Nangunot na ang noo ko sa narinig. King na naman? Bat ba parang sikat sya sa school na ito.

"Excuse me."magalang kong tawag doon sa dalawang lalaking naglalakad. Nilagpasan lang kasi ako ng mga iyon na parang isa lang akong hangin.

Tumigil ang mga ito at nilingon ako. Nginitian ko naman sila.

"Nawawala kasi ako at hindi ko makita ang kasama ko. Kilala nyo ba si Uno?"

Nakita kong nagulat sila sa tanong ko.

"You mean the King?" tanong sa akin ng lalaking nakacap na itim.

Fall PlayWhere stories live. Discover now