Chapter 6 (2 of 2)

11.6K 575 95
                                    


Halos mabilaukan sa pagtawa si Arthur nang ik'wento niya 'yon nung gabi. "A pantyliner? Where did she get that? Buti at watercolor lang 'yung mantsa!"

"I know, thank God. I wanted to cry with mortification when I saw the yellow stain. It looked like vaginal discharge!"

Humalakhak ulit ang lalaki. "Artist ang anak mo! Dapat kinuhaan mo ng picture. And look at the bright side, at least pantyliner lang. Isipin mo na lang kung thong o sex toy mo ang idinikit niya dun!"

Masama niyang tinapunan ng tingin ang kaibigan. Nakangisi ito habang nakasalampak sa kama niya at hawak ang phone nito. Nakasuot ang lalaki ng pantulog, silk royal blue PJs na pinatungan nito ng katernong flowing royal blue robe.

Siya rin ay nakapantulog na. Light green satin nighty na napapatungan ng chartreuse green satin robe.

Kagabi dumating ang kaibigan sa Manila galing New York, at nitong hapon ay dumerecho na ang lalaki sa Alaminos. Naiwan si Julian sa Manila at may kailangan itong asikasuhin doon. At ngayon ay narito ang kaibigan sa bahay niya para makipagchikahan.

"That will never happen," mataray niyang sambit habang inaalis ang tuwalyang nakabalot sa buhok.

Humagikhik si Arthur. "Why, because you don't have sex toys?"

"No, because that cabinet is locked."

Humalakhak ulit ang kaibigan.

Isinampay niya sa hanger ang tuwalya at isinabit 'yon sa likod ng pinto ng banyo, tapos ay kinuha ang wide tooth comb at sinimulang suklayin ang buhok.

"Wait here now," aniya sa kaibigan pagkatapos magsuklay ng buhok. "I'll go check on Anaya."

"'Kay, darling!"

"And dear, don't you dare have phone sex on my bed," babala niya.

Humagikhik ulit ito. "'Kay, sa banyo mo na lang!"

Tinirikan niya 'to ng mga mata at lumabas na siya ng silid.

Marahan niyang pinihit pabukas ang seradura ng pinto ng silid ng anak.

"Oh, oh, that's the wolf, Uncle Declan! He has big ears!"

"Yes," narinig niya ang mababang boses ni Declan. "Little Red Riding Hood saw that, too. What big ears you have, grandmother."

Tuluyan na siyang pumasok sa silid.

Nakahiga ang anak sa malaking kama habang nakasandal ang tablet sa unan malapit dito. Ilaw sa isang lampshade ang tanging liwanag sa silid ng anak, at malamyos ang sinag noon sa paligid.

Nasa tabi ni Anaya ang papikit-pikit na na si Nanay Elma, tinatapik-tapik ang binti ng paslit. Hindi niya kita ang screen ng tablet, pero alam niyang naroon si Declan, nagbabasa ng fairytale sa anak.

"A woodsman who was chopping logs nearby heard her cry and ran towards the cottage as fast as he could," Declan narrated in his strong rough voice.

"His gonna save Little Red." Naghikab ang anak at napapikit-pikit.

She felt the familiar tug at her heart as she stared at her sweet baby listening to Declan.

Lumapit siya sa paslit at itinaas nito ang tingin sa kanya. "Momma."

Ngumiti siya sa bata at umupo sa gilid ng kama nito.

"Your Mom's there?" untag ng binata mula sa tablet.

"Yes, Uncle Declan. The Woodsman save Little Red, Uncle Declan?"

"Yes, he did."

"'Kay. Wanna sleep now, Uncle Declan."

All That I AmWhere stories live. Discover now