Hey, Captain!

4.4K 197 80
                                    

"Fall in line!"

Hindi ako pwedeng magkamali kung sino ang nagmamay-ari ng boses na dinig na dinig sa classroom namin.

"Warm up, stretch! Jog! Bend!"

Parang musika ang tinig na 'yon sa tuwing naririnig ko siyang magsalita. Buti na lang at malapit lang ang volleyball court sa room namin, kaya sa tuwing nag-eensayo sila ay hindi ko maiwasan ang sumilip makita lang ang napaka-guwapo niyang mukha.

Sayang, last year na niya ngayon sa college, samantalang unang taon ko pa lang dito. Magmula nang makita ko siya nagsisikap akong makapasok sa volleyball team ng department namin, para kahit pa-paano ay makita ko siya nang malapitan o kahit maka-Hi man lang sa kanya.

"Okay guys, six by six. Toss and spike tayo!" sigaw pa rin niya.

Sumilip na naman ako, nakita kong tagaktak ang pawis sa kanyang mukha, kung maari lamang ay punasan ko ito.

Ewan ko ba, bakit lubos na lamang ang paghanga ko sa lalaking ito na mas matanda sa akin? Hindi naman niya ako kilala at sa susunod na taon ay hindi ko na siya makikita. Napakalungkot mang isipin habang tumatagal ay lumalalim ang paghanga ko sa kanya.

Ito na naman ako, nakatayo sa gilid ng gym hinihintay na dumaan siya para lang masilayan ang kanyang mukha. Habang nakatayong naghihintay sa pagdaan niya, nagtext si Jela, kasama kong nagtry-out. Oo nga, ngayon pala sasabihin ang mga nakuha sa try out. Sana nga makuha ako.

Hilig ko na kasi ang mag-volleyball simula nung elementary ako, sa katunayan naging captain ball ako simula grade five hanggang 4th year highschool kaya naman malaki ang pag-asa na makapasok ako sa Education Team.

Sampu kaming nagtry out sa volleyball at tatlo lang ang kailangan nila, hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa tingin ko ako ang pinakabata.

***
Nasa loob na kami ng gym, maya-maya ay isa-isa na ring pumasok ang mga lalaking nagtry out kasama ang mga datihang players. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makita kong kasama nila si Liam ang crush ko at siya lang naman ang captain ball ng Men's Volleyball Team ng Education. Lahat kami naka-Indian seat. Nagsimulang pagpawisan ako ng malapot nang tumabi siya sa akin. OMG! Parang biglang sumabog ang araw dahil sa init na naramdaman ko.

"Hi, goodluck sa'yo ha." Iniuntog niya nang bahagya ang tuhod niya sa tuhod ko na lalong nagpabuhay sa mga paru-paro sa tiyan ko. Napatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang kiligin sa pagkakatitig namin sa isa't isa pero hindi ko ito pinahalata.

"Thank you," nakangiti kong sagot.

"Ano'ng name mo?" Nakatingin pa rin siya.

Seryoso? Tinatanong niya ang pangalan ko? Huwag kang asumera, tila pati isip ko nagwawala.

"Alexa Rowie Arzadon."

"Nice name." Lalo akong kinilig sa ngiti niya habang sinasabi niya ito.

Pumunta sa harap ang captain ball ng women volleyball ng department namin. Sinimulan niyang banggitin ang unang pangalan na kasama sa napili. Nabanggit na rin ang pangalawa, kaya naman lalo akong kinabahan. Sayang naman kung hindi ako mapapasama sa team nila, lalong lumalabo ang pag-asang mapalapit ako sa kanya kahit sandali lang.

"Relax, Rowie." Nabigla ako nang tawagin niya ako sa pangalawang pangalan ko, na siya lang ang tanging gumawa nito.

"Last but not the least, welcome to the team Ms. Alexa Rowie Arzadon." Nakangiting nakaharap sa akin ang captain ball. Para akong nabunutan ng tinik at nailabas ko ang napakalalim na hiningang kanina ko pa pinipigil dahil sa kaba. Nagpalakpakan ang lahat.

"See, I told you. Congrats!" Inilahad ni Liam ang kanyang palad, napangiti ako sa sinabi niya sabay abot ng palad ko at hinila niya ito para makipagshake hands. Tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko sa pagkakadikit ng palad namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey, Captain! (one shot)Where stories live. Discover now