Pagkauwi galing sa school ay agad na naligo at nag palit siya ng plain white shirt at red skirt na hanggang tuhod.tenernuhan ng flat sandals.nag apply ng manipis na make up..at nag spray ng vectoria secret cologne..
Pag dating sa pinagtatrabahuang restaurant ay naabutan niyang nag seserve na ng mga enorder na pagkain para sa mga costumer si bel at ang dalawa pa nilang katrabaho.Ng makita siya ni bel ay agad siya nitong nilapitan..
"Niq..pinapapunta ka ni mr tim sa office nya.."sabi ni bel.Si mr tim ang may ari ng restaurant nato.kinabahan siya bigla..baka mamaya tatanggalin na sya! hinahagilap niya sa isip kung may mga nagawa ba syang mali sa mga nakaraang araw,o di kaya'y may araw siyang late na pumasok sa trabaho..
sumasakit na ang ulo nya kakaisip ng mga pupwedeng dahilan para ipatawag ng boss nya..napatingin siya sa kaibigan na tulad nya'y kabado din."mabuti pa puntahan mo na..pag tinanggal ka..sabihin mong pati ako tanggalin narin!.,"
kung ibang pagkakataon siguro to baka natawa pa siya sa narinig.."Bakit kaya?di naman ako nalalate ah.."kinakabahang wika niya
"Baka na mimis ka."nakangiting wika ng isa nilang katrabaho na si joy..alam ng kanyang mga katrabaho na may pag nanasa ang kanilang manager sa kanya ngunit hindi harap-harapang pinapakita dahil ayaw nitong masira daw ang imahe nito sa mga employee o ayaw lang nito malaman ng asawa ang kalukuhang ginagawa nito .
"Hayss tumigil na nga kayo.trabaho nyo intindihin nyo.."sita ni bel sa katrabaho
'"Pumunta kana dun..baka pabalihin ka na ni mr tim.."
wika naman ni al ang nag iisang lalaking waiter sa dito sa resto..Oo nga pala..naalala nyang nagsabi pala sya kay mr tim na kung pwede syang bumali.dahil dumating na kahapon ang bill nya sa kuryente at sigurado kasunod na ang bill naman ng tubig..agad siyang nagtungo sa office ni mr tim..dalawang beses syang kumatok bago nagsalita ang nasa loob.
"Come here"dahan dahan niyang binuksan ang pinto at umupo sa swivel chair sa harap ng desk nito."Pinapatawag mo daw po ako mr tim?"kinakabahang tanong niya..
Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa..nasa 40 years old palang ito pero hindi halata dahil sa magandang pananamit at sa matipuno nitong katawan..parang nasa 30 lang ito..ayaw man niyang aminin pero masasabi niyang may pagmamalaki din ito kung hitsura lang ang pag uusapan.no wonder kung bakit nakapakaselosa ng asawa nito..
"Sabi ko na sayo.tim nalang itawag mo sakin kapag dalawa lang tayo.."malumanay na wika nitong nakatitig sa mukha niya.
"Respect lang po..ano po bang kailangan nyo..?lakas loob na tanung niya.na nakaramdam ng pagkailang.
"Nabanggit mo sa kin na mag aadvanced ka ng 1 week?"tumango siya..
"Well.alam mo naman na mahigpit ang patakaran dito..bawal ang advanced dito..pero kung kaylangan mo talaga magagawan natin ng paraan "makahulugang saad nito..
"Talaga po"?pinilit niyang ngumiti kahit na sa totoo lang parang gusto nya ng hubarin ang sandals niya at isampal sa mukha nito dahil sa malisyosong pakakatitig nito.
"Yes..but one condition..makipagdate ka sakin mamayang gabi.."agad na nawala ang kanyang ngiti dahil sa sinabi nito..
"Ahmn.sorry mr tim.pero may gagawin pa po ako..at tsaka baka hindi ko na ho kaylangan ang advanced hihintayin ko nalang ang linggo."pagkasabi ay agad siyang tumayo at tumalikod.
"Ano bang kaylangan kong gawin.maging akin ka lang kahit sandali"saad nito na nag pagtigil sa kanyang pag lalakad.lumingon siya rito.
"mr tim..may asawa ka na at mga anak bakit hindi sila ang paggugulan mo ng pansin.."naiinis niyang tugon.
STAI LEGGENDO
"Pangarap Na Lang Ba??"
Storie d'amoreIsang college student si monique martin...isang mahirap na nag nanais na magkaroon ng magandang kinabukasan.nangako siya sa kanyang sarili na gagawin ang lahat makamit lang ang hinahangad.. Paano kaya kapag may lalaking gagawin ang lahat maangkin l...