Introduction

29 0 0
                                    

Ako si Miami Bayanihan, tubong Misamis Oriental.Ulila na (ata?)ako sa magulang kaya sa ampunan ako lumaki. Hindi ko rin sila kilala kahit sa pangalan man lang.

Ang sabi ng mga madre sa ampunan iniwan lang daw ako sa harap ng gate at naka-note dun yung pangalan kong 'Miami'. So, saan nakuha yung apelyido ko?

'Bayanihan' ang apelyido ng director ng ampunan namin kaya automatic, lahat ng batang nasa ampunan 'Bayanihan' ang apelyido, including me.

Dahil ulila kami na nasa ampunan, nagpapasikat kami kapag may bumibisita. Alam niyo na. Magpapaampon.

Pinapakita namin ang mga talento namin sa kanila. Ang iba kumakanta , sumasayaw , at pinapakita ang mga grades nila sa school.

Wala akong partikular na talento, pero may ipagmamalaki ako, ang mga singkit kong mata. Yes. Maputi rin ako kaya mukha akong intsik, hahaha.

Pero,bakit ganun? Natutuwa sila sa'kin pag nagpapa-cute ako pero iba naman inaampon nila. Mga paasa.

"Ale, ngano mang dili mo ako adapon?"(Ale,bakit di mo ako aampunin?) , tanong ko noon sa isang aleng bumisita na medyo naka-close ko noong 6 years old ako.

Umupo siya at hinawakan ang mga balikat ko at sinabing, "Pasensya na. Nangita ako ng bata ng medyo kamay-ong sa ako. Murag yug anak nako"(Pasensya na. Naghahanap kasi ako ng batang medyo kahawig ko. Parang anak ko talaga.) Doon ko narealize na may disadvantage din pala pag mukhang intsik.

So ayun, useless ang pagpapasikat ko gamit ng appearance ko para maampon. Paano ba naman, mukha akong intsik at puti talaga ang kutis. Magmumukha talagang ampon nila ako dahil napakalayo ng itsura ko sa kanila. Naghintay nga ako ng mga mag-aampon na mga intsik, koreano o hapon dito eh. Kaya lang 10 taon na nakalipas. Nag-16 anyos na ako. Wala pa rin. Sa tingin niyo ba may mag-aampon pa sa'kin? WALA.

4th year student na ako dito sa Cagayan de Oro. Magka-college na ako. Ang tanong: Magka-college ba? Wala na ngang pera (hindi na orphanage ang magtutustos ng pag-aaral ko sa college, abusado na). Hindi rin ako matalino, kaya walang scholarship. Mmmh.. Magmadre na lang kaya ako? Haha Joke. Hindi nila-"lang" yun.

Total hindi ako magka-college, magtatrabaho na lang ako. Nagpaalam ako kay Mother Stephanie na luluwas ako ng Mindanao at makikipagsapalaran sa Cebu.(Uwaah!) Pumayag naman siya pero pinaramdam niya at ng iba pang kasamahan ko sa ampunan na nag-aalala sila sa'kin. Buti na lang may kakilala ang director ng orphanage na may apartel sa Cebu at dun daw ako tumuloy. Ang thoughtful nila!

Ano kaya ang mangayayari sa'kin ,na isang 16 years old na babae, sa Cebu? Ahh.. Guide me Lord!

.......... ................. ............ ............

Nathan Edisonne Callado, first born child of a well to-do family, Age 19. Studying at Ateneo de Manila University, Bachelor of Science in Management course. My mother was the only daughter of a rich family named, Ignacio . While my father is from an average family, but he got his high position through his talent and hardwork. I am now currently in Cebu to have a brief experience in my uncle's resort for my future benefits when I get to business. Yes, in order to be independent.

I use English to formally introduce myself. Since I'm gonna introduce myself in personal aspect, I'll use Filipino.

Medyo mestiso ako at matangkad. Marami rin ang nagsasabi na magandang lalaki ako. I'm a punctual and responsible person. Kalmado at resonable ako sa lahat ng aking ginagawa. Of course. Mataas ang pinag-aralan ko. I should act as one.

Gusto ko at lahat ng bagay na ginagawa at gagawin ko ay nakaplano, which makes me a well-organized person.

As much as possible, I want to be around people with standards, kumbaga may pinag-aralan at may class. Naniniwala kasi akong mas matino at mas nakakarelate sa mga bagay-bagay ang mga may pinag-aralan.

I hope things will go well in Cebu this summer.

ChinitaWhere stories live. Discover now