Mula nang makabalik ang kanyang bestfriend from Davao , naging tahimik na ito. Di na ito nakikipagbiruan.
"Dzai, nag aalala nako sayo. Di ako sanay na ganyan ka. Ilang linggo ko ng napapansin na di kana katulad ng dating Randi na nakilala ko." tanong niya sa bestfriend
"Okay lang ako. Wag kang mag alala ". sagot naman nito na halata naman sa boses na di ito okay .
"May di kaba sinasabi sakin?"
"Wala , Dzai. Pagod lang to ".
"Hays. Alam mo naman na andito lang ako lagi para sayo diba ? ".
"I know , dzai. Don't worry , okay lang talaga ako ".
"Okay , sige. Sabi mo eh. Basta lagi mong tatandaan na i'm just one call away ah ?".
"Thanks , dzai. ". wika nito at yumakap na sa kanya.
"Oh siya , uuwi na muna ko. Balik ako dito bukas. okay ?"
"Okay. Ingat"
Lumabas na siya ng kwarto ni Randi para umuwi. Di siya naniniwala na wala itong problema pero wala namang siyang magagawa kundi mag antay kubg kelan ready na itong sabihin sa kanya ang problema nito. Iiling iling siyang pumasok sa kotse niya at umalis na.
~
Pagkauwi na pagkauwi ni delyn , nag uunahan uli sa pag agos ang kanyang mta luha."Tangna , ang weak mo self. Di ka ganito eh. Lumaban ka. Wag mong hayaan na malugmok ka dahil lang sa walang kwentang lalaki na yun". sabi niya sa sarili habang pinupunasan ang mga luha. Di padin maawat ang kanyang pag iyak hanggang sa pumasok ng kwarto niya ang ina.
"Anak , umiiyak kana naman ?". Nag aalalang tanong nito sa kanya.
"Okay lang ako, ma. Medyo masakit lang kaya naiiyak ako ".
"Hays. Tama na anak . Di lang siya ang lalaki sa mundo. Sabi ko naman sayo diba ? walang maidudulot ng maganda yang nararamdaman mo sa kanya. ".
"Di naman yong lalaking yon ang iniiyakan ko. "
"E ano ba ang iniiyakan mo ? "
"yong karupukan ko. Kahit kailan talaga di nako iinom ".
"Weh ? di nga ?"
"Oo nga po , ma. Di nako talaga iinom. Itaga mo yan sa bato. "
"Saka nako maniniwala pag lumipas ang taon na di ka tumikim ng alak. "
"Grabe kayo sakin ,ma. Basta di nako iinom. ".
"Ngapla nak, nasa baba si Zen. Haharapin mo ba siya ? ilang araw na yon pumupunta dito".
"Hays. sige ma. Aayusin ko lang sarili ko then bababa nako pagkatapos ".
"Sigurado kaba ? "
"Opo , ma."
"Sige. Sunod ka nalang . Kaya mo yan anak . Ikaw paba ? nakaya mo nga lahat ng hirap natin sa buhay eh."
"Yiz naman , ma. Kaya ko to. Thanks , ma. Iloveyouuusooomuch !". wika niya sabay yakap sa ina
"Mahal na mahal din kita anak kaya ayokong nakikitang nasasaktan ka ." naiiyak na wika ng ina
"opps opps. Bawal ka pong umiyak. Sige na , bababa nako maya-maya lang ". wika niya at pinahid na ang natitirang luha sa mga mata
Niyakap siya uli ng ina at lumabas na ng kwarto niya. Tumayo na siya para mag damit ng medyo presentable at mag toothbrush. Nakakahiya naman sa bisita kung di man lang siya mag ayos . Pagkatapos mag ayos , lumabas na siya para harapin ang bisita.

YOU ARE READING
Forever with a star
Romance"Please don't tell me to stop loving you coz it's like telling me not to breathe." -Randi Randi is a high school teacher who is not just an avid fan of Brandon but also she loves him . Brandon is an Actor , Model , Dancer at Singer. Aminado si Randi...