CHAPTER 13

341 14 0
                                    

3 days later

LIVEIN POV

Tatlong araw na ang dumaan at pinag-lalamayan ko parin ang first kiss ko, para sa soon to be asawa ko sana yun eh ninakaw kasi ng tukmol na yun yahhhh sarap mong ilibing ng buhay tukmol ka, nandito na ako sa harap ng classroom namin kaya pumasok na ako ay nakita ko sila don, umupo na lang ako sa upuan ko,
I miss you mommy alice - ani ko sa isip ko

ROYAL ELITES AND MS. LIVEIN please go to the Deans office - ani ng speaker kaya tumayo na lang ako at nag-teleport papunta sa Deans office, nakita ko naman si Dean tumango lang ako sa kanya at umupo sa solo sofa

Look like you have a problem - ani ni Dean

Sino ba namang walang problema kung ang first kiss mo ay ninakaw ng isang tukmol - medyo galit kung ani dito

It's a big problem - ani nito sa akin

Sinabi mo pa - ani ko dito at naging grumpy ang mukha ko kasabay ng pag-cross arm ko, bumukas naman ang pinto at pumasok sila sino pa ba edi ang elites, napinapangunahan ng isang tukmol, umupo naman ito sa kabilang solo sofa sinamaan ko naman ito ng tingin madali ka sa tingin

So Royal Elites and Ms. Livein pinatawag ko kayo dahil may ibibigay akong mission sa inyo - ani ni Dean

Anong mission dean? - tanong ni Aerdon

Kailangan nyong hanapin ang Crystal of Barrier, para mas lalong tumatag ang barrier natin hindi natin alam kung kailan susugod ang Darkious kaya kailangan nating mag-handa - ani ni dean

Cgy po dean makaka-asa ka - ani ni Tukmol

Kailan ba kami aalis - ani ni Selena

Bukas ng madaling araw 4 a.m dapat nandito na kayo, pumunta na kayo sa dorm nyo at mag-handa- ani ni Dean tumayo naman sila tumayo na din ako

Livein pwede ba tayong mag-usap - ani ni Dean kaya napatigil ang Elites

Cgy - ani ko dito

In private sana Royal Elites - ani ni Dean dito nag-si labas naman sila at umupo na ako pabalik sa sofa, lumakad naman si Dean sa pinto at nilock yun may kinast naman na spell si Dean isa iyong Soundproof barrier

Bakit gusto mo akong makausap -ani ko dito

May gusto akong ipakita sayo at sana wala kang pag-sasabihan - ani nito sa akin

Tingin mo ba sa akin madaldal - ani ko dito

Hindi naman kaya nga ikaw ang pinili ko dba kasi alam kung hindi ka madaldal, sundan mo ako - ani nito sa akin kaya sinundan ko sya may pinush syang invisible button at bigla na lang bumukas ang shelf kaya pumasok sya at sumunod naman ako

Alam kong naguguluhan ka Isa itong lagusan pababa kung saan nakatago ang isang bagay na iniingatan ko, isang bagay na mapili sa kanyang magiging taga pag-may ari, at isang scientific lab at magic laboratory, pinag-katiwalaan kita kaya wag mo sanang ipag-sabi ang lugar nato-ani nito sa akin

Makakaasa ka - ani ko dito mga ilang minuto narating narin namin ang isang pinto kaya binuksan nya ito at tumambad sa amin ang malaking lab at may tatlong scientists ngumiti naman sila sa amin kaya tumango lang ako pumunta kami sa isang glass na may maraming capsules, at mga liquids o potion

Ito ay isang capsule na syang kayang pumuksa ng kahit na anong lason, maliban na lang sa wisdom poison isang lason ng napaka-delikadong ahas, golden apple vision isang mansanas na kulay ginintuan akala nila makaka-tulong ito sa vision pero lason pala toh, Violet rose poison isang rosas na kulay ube na may Violet smoke, yan ng di kayang lunasan ng capsule, - sinabi nya lahat ng alam nya sa lugar na ito at ang masasabi ko lang ay cool pumasok naman kami sa isang pinto na kulay pula, at tumambad sa akin ang isang sword

That is Dragon Knight Sword, it symbolizes forever loyalty- ani ni Dean lumapit naman ako doon at hinawakan yun ng bigla na lang iyong lumiwanag ng hawakan ko

Ikaw ang pinili nya iha, kaya ingatan mo ang sword na iyan, oh sya pumunta ka na sa dorm mo at mag-handa pag-ka balik mo sa mission ay pumunta ka dito at may pag-uusapan tayo, at wag na wag mong ipapakita ang mukha mo dahil ang pag-tatago mo sa mukha mo ay siyang makakatulong sa atin - ani nito tumango na lang ako at nag-teleport papunta sa kwarto ko at nag-handa para sa pag-alis bukas kinuha ko ang magic ring ito ang binigay sa akin ni ina noon hindi ito basta bastang sing-sing lang dahil para itong bag magic ring bag kung baga, kaya preness ko ang sapphire sa sing-sing at naging malaking bag yun, linagay ko naman doon ang mga chocolates, stick-o,finger foods, chipss, chuckie, freshmilk, at iba pang pag-kain hindi ko naman kailangan ng damit dahil kunting magic lang ok na, naligo na ako at nag-bihis syaka natulog kahit maaga pa.

THE LOST KINGDOM (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon