Mga ginoo , hali kayo at pumasok at samahan kami sa aming munting salo-salo
Tawag ni Ginang Amy sa dalawang lalaki na kanina niya pa nakikita na naka tayo lamang sa paanan ng kanilang hagdan
Maraming salamat Madam nakangiting tugon ni Ferdinand sa Ginang
Sumunod Sina Ferdinand at Virgilio kay Ginang Amy papuntang hapag kainan at umupo sa bakanteng silya sa dulo ng mahabang mesa
Kanina pa namin kayo hinahanap , saan ba kayo galing? Tanong ng kanilang matalik na kaibigan na si Jose Marie
Diyaan lamang sagot ni Virgilio
Nagsimula nang magsalo-salo ang lahat , habang kumakain ay masaya din silang nag kekwentuhan ng mga bagay bagay na nangyayari sa paligid .... Habang kumakain may isang babae ang biglang lumitaw sa may arko ng kusina , napaka gandang dilag , mestisa at maganda ang hubog ng katawan
Anak , andito ka na pala , di mo man lang pinaalam sa amin , sa gayon ay napag handaan namin ang iyong pag uwi masayang wika ni Ginang Amy at tumayo at niyakap ang babae
Habang isa isang binabati ng lahat ang babae na kararating ay di inalis ni Ferdinand ang tingin nito sa babae na para bang natatakot na kumurap at mawala ito , ngayon niya lang nakita ang babae na ito pero di niya mawari ang angking kagandahan nito
Ferdinand , naririnig mo ba ako? Na pabalik ito sa ulirat ng winasiwas ni Jose Marie ang kamay nito sa harap ni Ferdinand
Ha? May sinasabi ka ba? Nagtatakang tanong nito kay Jose Marie pero di parin ina alis ang tingin nito sa babae
Nako! Sabi ko , ito ay si Anne kapatid ko na galing Australia pag uulit ni Jose Marie
Kitang kita sa mukha ni Ferdinand ang gulat sa narinig , na pa iling ang tingin nito Kay Jose Marie ng ilang segundo at para bang naghihintay na mag sabi ito na nagpapatawa lamang siya .... Pero nang mapansin ni Ferdinand na seryoso ang mukha ni Jose marie ay binalik niya ang tingin niya sa babae at dahan dahan itong linapitan
Nagagalak akong makilala ka Anne magiliw na sabi nito at hinalikan ang kamay nito , napansin naman ng binata na ngumiti sa kaniya si Anne , hudyat na nagustuhan nito ang ginawa niya
Ikaw pala si Ferdinand , marami akong naririnig tungkol sayo nakangiting sabi ni Anne at binigyan ng isang makapatay na tingin si Jose Marie ng ilang segundo
Sana kong ano man ang narinig mo tungkol sa akin ay puro mababango at walang bahid ng baho sabi ni Ferdinand at liningon si Jose Marie at binigyan din ito na mapamatay na tingin ng ilang segundo at humarap uli kay anne
Wag kang mag alala , lahat ay magaganda nakangiti nitong sagot
Mamaya niyo na ipagpatuloy iyan, Anne halika , kumain kana tawag ni Ginang Amy kay Anne
Sinabayan ni Ferdinand si Anne sa paglakad papunta sa Mesa at hinatid siya sa bakanteng upuan sa kanang parte ng mesa malapit kay Ginang Amy .... Inatras niya ang upuan ng kaunti sakto lamang para maka daan sa anne at makaupo at pagkatapos ay bumalik na ito sa kaniyang upuan
Sa pag papatuloy nila sa pag kain ay nakatingin lamang Ferdinand kay Anne , manghang mangha ito sa angking ganda ng dalaga
Wag mo masyadong titigan , at baka matunaw iyan natatawang bulong ni Virgilio sa kaibigan at dahil dito ay nagpocus ito sa pagkain para hindi tuksohin ng kaibigan
Pagkatapos nilang kumain ay napagdesisyunan na nilang umuwi ayaw pa sana ni Ferdinand pero pinilit na ito ni Virgilio sa kadahilanan na pagod na ito at inaantok
![](https://img.wattpad.com/cover/246514781-288-k362922.jpg)
YOU ARE READING
Vhonganne (Short Stories)
RandomThis is a compilation of Vhonganne short stories ... Suggest if you want and I'll put your name below.