The only thing I want to know

5 1 0
                                        

                  The only thing I want to know

"Mahal kita".
"Kaibigan kita".
"Nag-aalala ako sayo".
"Andito lang ako".

"Hindi kita iiwan".
"Hindi kita bibitawan".
"Hindi kita hahayaan" .
"Hindi kita aayawan" .

Mga katagang palagi kong naririnig,
Mga katagang umaalingawngaw sa pandinig.
Mga katagang binibitawan kasunod ng pangako,
Mga katagang minsan ay napapako.

Totoo nga ba?
Ayaw kong umasa.
Ngunit kailangan kong panghawakan ang mga binibitawan niyong salita.
Kahit sa huli, dulot nito ay problema.

Masakit kung hindi matupad.
Magtatanong nalang kung saan napadpad.
Kung kinuha ba ng ibon at inilipad.
O di kaya'y kinain na ng bulaklak na hindi na bumukadkad.

Isa lang naman ang gusto kong malaman,
Kung totoo ba ang mga salitang binitawan.
Bakit kaydali niyong mangbaggit?
Ngunit kaytagal at kayhirap niyo namang gawin?

Stop 'n ReadWhere stories live. Discover now