Simula

9K 196 64
                                    


Raviro

Minulat niya ang kanyang mga mata at nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling mula sa malaking bintana na gawa sa salamin. Bumangon siya at kinapa ang sarili, nakasuot siya ng puting komportableng bestida at nakatakip sa kanya ang isang puting kumot. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid, puro puti, ang mga pader ay puti, kahit ang mga kagamitan.

Nasaan siya? Hindi siya pamilyar sa lugar. Hinawakan niya ang kanyang ulo, may benda iyon at napadaing siya nang madiinan ang pagkakahawak. Bumaba siya sa kama at lumapit sa isang pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang banyo. Tinungo niya ang salamin at nagulat ng makita ang kanyang itsura. Puro sugat at pasa ang kanyang mukha, may bakas na rin ng dugo ang benda sa may bandang noo niya, pati ang mga braso at binti niya ay may mga sugat at pasa rin. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit ganito ang itsura niya? Napahawak siya sa dibdib niya nang makarinig ng ingay mula sa labas. Bumalik siya sa kwarto at saktong pagbukas ng pinto ay ang pag-upo niya sa kama.

Ngumiti sa kanya ang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Lumapit sa kanya ang babae, may mga dala itong gamot na para siguro sa mga sugat niya.

"How are you? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ng babae na napagtanto niya na isa pa lang nurse.

Pinagmasdan niya muna ito ng ilang segundo bago dahan-dahang umiling. Ngumiti ang nurse sa kanya at sinimulan ng linisan ang mga sugat niya. Tahimik lang siya habang pinapanood ang nurse. Maya-maya pa ay inabot nito sa kanya ang isang basong tubig at tatlong tableta ng gamot.

"Drink that para bumilis ang paghilom ng mga sugat mo. Para na rin hindi na madalas ang pagdurugo ng mga malalim mong sugat," sabi nito.

Sinunod niya ang gusto nito. Tinulungan din siya nitong palitan ang kanyang damit, mas maayos kaysa sa huli.

"May darating kang bisita mamaya. Noong unang pinuntahan ka niya rito ay wala ka pang malay. Alam mo bang buong gabi lang siyang nasa tabi mo? Parang hinihintay na magising ka. Tinanong ko kung kaano-ano ka niya, ngumiti lang siya at hindi ako sinagot. Siya rin ang nagbabayad ng mga bill mo rito sa ospital," sabi nito.

Ospital? Nasa ospital siya? At sino naman kaya ang taong iyon? At bakit nasa ospital siya? Anong nangyari sa kanya?

Sinubukan niyang mag-isip pero sumakit lang nang sobra ang kanyang ulo. Teka?! Naguguluhan siya!

"Bakit ako nasa ospital?" tanong niya.

"Pasensya ka na, hindi ko pwedeng sagutin ang mga tanong mo. Iyon ang bilin ng doktor. Aalis na ako, tatawagin na lang kita kapag nandyan na ang bisita mo," sagot ng nurse bago lumabas ng kwarto.

Napahawak siya sa kanyang sentido. Sobrang makirot ang bahaging iyon kaya napagdesisyonan niyang humiga sa kama at bago niya namalayan ay nakatulog na pala siya. Nagising siyang muli dahil sa mga munting haplos sa kanyang pisngi. Naidilat niya ng malaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalake na nakangiti sa kanya.

Kinabahan siya? Sino ang lalakeng ito?

Napansin ng lalake ang pagkataranta niya kaya naman hinawakan nito ang nanginginig niyang mga kamay. "It's okay. You can trust me. I will not hurt you, not a chance. Calm down, please," sabi nito.

Ang init ng mga kamay nito at ang malambot na pagtitig ng lalake ang nagpakalma sa kanya. Sa mga simpleng salita nito ay nakuha na kaagad ng lalake ang kanyang loob.

"Alright, you can trust me. Don't worry, I'm here to take care of you. May masakit ba sa iyo?" tanong ng lalake.

Nakatitig lang siya sa lalake at yumakap sa puso niya ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag o mapangalan. Napapikit siya ng haplusin ng nito ang kanyang pisngi. Doon pa lang niya naramdaman na may luha pa lang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bakit siya umiiyak?

The Royal NannyWhere stories live. Discover now