CHAPTER 3

44K 1.2K 28
                                    

Pagkatapos tulungan si Kenneth ng night in shinning armor niya na si Amaya. Bading man pakinggan pero iyon ang tamang term niya kay Amaya.

Naroon sila loob ng isang restaurant malapit sa malate. Marami silang in-order na pagkain may pagka-matakaw kasing kumain si Amaya ngunit hindi niya lubos maisip kong saan nito nilalagay ang pagkain sa katawan. Napaka-payat kasi nito bukod doon masyado rin itong madaldal. Marami rin itong baong kwentong corny. Habang kumakain sila. pinagmamasdan niya ang itsura nito. Maganda naman ito hindi lang palaayos na katulad ni Aya. Habang tumatagal ang kwentuhan nila lalong nagiging kumportable sila sa isa't-isa.

Pakiramdam niya matagal na niyang nakilala si Amaya. Nai-kwento na rin niya ang tungkol kay Aya. kung kaya't marami itong naging opinyon at pangaral sa kanya.

"Kenneth, wag na wag mo na siyang lalapitan o kakausapin. dahil hindi ka niya mahal."sabi niya sa'kin. habang may nguya-nguya itong pagkain.

"Oo na! Unli ka eh,"sabi niya.

"Susuntukin ko mukha mo kapag lumapit ka pa doon."

"Ang sakit naman! Napaka gabriela mo."

"Ha-ha-ha! Hindi naman ako matapang slight lang iyon."

"Thank you pala sa tulong mo sa'kin kanina. Alam mo kasi akala ko talaga mahal ako ni Aya, hindi pala niya ako magugustuhan kasi mataba ako at pangit ako."sabi niya habang nakayuko siya.

tumigil sa pagkain si Amaya pagkatapos tumayo ito at lumapit sa kanya. Inakbayan siya nito.

"Hindi ka pangit, gwapo ka nga tanong mo pa sa nanay mo." Sabay tawa nito.

Sumimangot siya. "Alam ko naman sasabihin ni Mommy."

"Seriously gwapo ka at huwang mong ikahiya ang sarili mo. Kung may mga taong nanlalait sa iyo. Hayaan mo na sila, baguhin mo ang physical mo kapag gusto mo hindi dahil gusto ng iba. Ang mahalaga ay ang pag-uugali ng tao. Kapag maganda 'yan panalo ka na." Ngumiti pa ito sa kanya.

"Thank you sa comfort." Tipid siyang ngumiti.

Ginulo ni Amaya ang buhok ni Kenneth. "Wala iyon tara ubusin na natin 'to."

"Ahmm... Amaya pwede bang ikaw na lang ang maging bestfriend ko?" nahihiya niyang tanong kay Amaya. Yumuko siya dahil sa sobrang hiya. iniisip kasi niyang baka tanggihan siya ng dalaga.

"Sure! bestfriend." Nilahad pa ni Amaya ang kamay nito.

"Bestfriend" tugon niya.

Pakiramdam ni Kenneth nakatagpo siya ng kakampi sa katauhan ni Amaya. Kahit na nga hindi naging maganda ang nangyari sa kanya kanina. Sa huli naging maayos naman ang kinalabasan dahil nagkaroon siya ng bagong Kaibigan na alam niyang tatanggapin siya kahit ano pa ang maging itsura niya.

"Kenneth! Sinong bestfriend mo doon?!" Tanong nito.

Tumawa si Kenneth ng makuha niya ang nais nitong sabihin. "Siyempre ikaw lang."

Tumawa silang dalawa. At pagkuwa'y nagpatuloy sila sa pagkain. Nag selfie-selfie sila. Masayang-masaya sila habang nag seselfie silang dalawa. halos lahat ng angulo pinag gagawa nila.

Sobrang kaligayan ang nararamdaman ni Kenneth dahil maliban sa kapatid niya at Mommy niya wala na siyang naging kaibigang babae. Habang kasama niya si Amaya pakiramdam niya kumpleto na siya dahil sobrang kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon.

***
After 3 years..

NAPAPANGITI si Kenneth habang tinitingnan niya ang lumang larawan nila ni Amaya. ito kasi ang paraan niya para maibsan ang kalungkutang nararamdaman niya para sa babaing nag bigay ng halaga sa kanya walang iba kung hindi si Amaya.

"Akin na nga 'yan! Hinablot ni Vincent ang hawak niyang cellphone.

Si Vincent ay isa sa mga kasama niya banda niya, si Vincent ang drummer at palagi itong nangungulit sa kanya. Alam ng buong banda ang tungkol kay Amaya. Dahil lagi niya itong nai-kwento sa mga ito.

Tumakbo si Vincent habang hawak hawak ang cellphone niya.
"Give it to me !" Sabi niya habang hinahabol niya si Vincent.

"Ayoko ko nga! Wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang titigan ang picture niyo ng long lost bff mo!"

Huminto si Kenneth sa pagtakbo at naghanap ng mauupuan tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay.

"Where are you Amaya Nicole, its been a year matagal na kitang hinahanap bakit hindi parin kita makita." Bulong niya.

Napakalaking katangahan kasi nang Hindi niya naisip na itanong buong pangalan ng babaing si Amaya. Hindi niya alam ang Apelyido ng babae. Kung kaya't hanggang ngayon wala pa rin siyang balita sa dalaga.

"Oh! Ito na ang cellphone mo Kenneth" wika ni Vincent.

"Thank you brad."sagot niya.

"Wala pa rin bang balita sa kinuha mong secret agent para hanapin siya?" tanong ni Vincent.

Umiling iling lang siya at nagbungtong hininga. Mabigat sa loob niya ang nararamdaman niya ngayon.

"Baka wala naman talaga siya sa pilipinas? Or baka may asawa na siya kaya di mo siya mahanap or baka patay na siya." Sagot ni Vincent.

"Stop it Vincent!"sigaw niya

Ayaw niyang makarinig ng mga bad comment tungkol sa long lost Bestfriend niya. Mas gusto niyang isipin na magkikita silang dalawa at single si ito upang magkaroon siya ng pagkakataong makakasama ito balang araw.

"Ano naman ba yang pinagtatalunan niyong dalawa?" Tanong ng manager nila

"Wala po manager!"

"Bumalik na kayo doon kayo na ulit ang susunod na magpe-perform. Bilis na madaming tao sa labas mga fan niyo,"

Tumayo silang dalawa. Naunang naglakad si Vincent patungo sa labas.

"Kenneth!" Tawag ni Vincent.

Nilingon niya si Vincent.

"Sorry, good luck sana mahanap mo na siya." Sabay ngiti nito.

Ngumiti si Kenneth at muli siyang tumayo at naglakad patungo sa labas.

SHE'S MY FIRST LOVE (MY FIRST STORY) UNEDITEDWhere stories live. Discover now