Bakit hindi nalang ako

0 0 0
                                    

Alam kong maraming iba dyaan pero bakit hindi ako?
Ako naman yung andito.
Ako yung sumasama sayo.
Ako nga itong laging nasa tabi mo.
Pero bakit sya padin ang hanap mo.
Ang sakit naman nyan.
Alam kong mag-kaibigan lang.
Pero bakit may mga motibo kang pinapakita.
Mga ginagawa natin ay tila ba hindi ginagawa ng karaniwang magkaibigan.
Nahahawakan kita. Nayayakap. Nadadantayan.
Ano ba yun? Ako kasi wala siya?
Ako kasi may iba siya? Ako kasi ako yung nakikita mo kapag wala siya?

"Iza iza" sambit mo
"Bakit?." Akala ko ako yung sadya mo.
"Asan si Via?" Sagot mo.

Napuno ng selos aking mga mata.
Ako ba hanapan ng nawawalang tao? Babae?
Kung siya gusto mo bakit sakin ka nalapit?
Bakit ako palagi mong inaaaya?
Sinamahan pa kita sa bahay ninyo para lang magpaalam ka na may bibilhin tayo.
Tapos nung may nakita kang chat na hindi makakasama si Via ano ginawa mo?
"Iza ayoko na pala tumuloy."

Ano nalang gagawin ko? Diba? Sumama pako sayo.
Wala din naman pala akong mapapala.
Bakit ba palaging siya hindi nalang ako.
Kayang kaya ko naman lahat ng ginagawa niya.
Kaya konga siyang higitan.

Pero bakit sya padin nakikita mo.
Bakit hindi nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon