Chapter 8

1.6K 68 0
                                    


Red Collins

Nakaupo ako ngayon sa isang bench malapit sa building nang office ko. Wala pa akong klase kaya naisipan ko munang mag tambay dito.

Kagabi ay nanaginip nanaman ako. Bumabalik nanaman ang mga ala-alang matagal ko nang ibinaon sa limot.

Yung sakit nang nakaraan. Bakit nanaman? Akala ko okay ba ako. I guess it's just an illusion na itinatak ko sa utak ko. I'm not okay, until now.

I sighed, pumikit ako at tumingala. Nakaka relax yung katahimikan at simoy nang hangin. Hindi din mainit.

"Babe.." Napapitlag ako sa narinig. Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Nica na nakangiti sakin.

"Holy shi- Nica! May balak ka bang patayin ako ha?!" Sabi ko na syang ikinatawa nya.

"Hindi naman, medyo lang."

"Ulul. tsk."

Humiga ako sa lap nya at pumikit.

"Don't move. Para magka silbi ka naman." Sabi ko sakanya. "What are you doing here anyway?"

"Binibisita ka. Naiinip na ako. Wala ba tayong trabaho dyan?" Natawa ako sakanya. Hindi ko sya masisisi. Wala naman kase syang trabaho ngayon dahil hindi pa ako tapos sa collection ko.

"Don't worry. Ilang paintings nalang ang kailangan kong tapusin." Sagot ko sakanya. Naramdaman kong hinarangan nya yung liwanag na tumatama sa mukha ko.

"Can I just be your secretary here? Tapos aayusan din kita everyday." Masayang sabi nya.

"Gaga. School to, hindi party. But you can be my assistant. Pwede kang taga ayos nang mga papel sa office."

"Siraulo! Taga ayos nang papel? Ang cheap ha.." Sabi nya sabay pisil sa ilong ko.

"Aray! Pasalamat ka nga may sweldo ka pa din e." Asik ko sakanya at napamulat habang hinihimas ang ilong ko.

"Let's go clubbing. Bored na ako talaga. Akala ko ba mag travel ka parin dito? Eh mukhang nag enjoy ka na sa pagiging Prof kuno mo e."

"Oo na.." sabi ko at umupo na. "Let's go to Baguio this weekend."

Nagliwanag naman ang mukha nya sa sinabi ko. Napalingon naman ako sa may pinto nang faculty nang biglang magsara ito nang malakas.

Tanaw kase mula sa pwesto ko yung pinto dahil open garden to. Hinangin ba yun? Ang lakas e.

"What?!" Sigaw ko dahil sa sinabi sakin ni Nanay.

"Your voice, Red Collins." Matigas na sabi ni Nanay kaya napa tikom ang bibig ko.

"That's final. I want you to be there. Gusto ka din maging speaker sa seminar. Wag mo kong ipahiya." Final na sabi nya.

She wants me to go to Baguio for a seminar. At gusto nila akong maging speaker. tsk.

"But I'm busy. May pupuntahan ako. Nay naman." Reklamo ko kahit na sa Baguio din naman talaga ang punta ko. Kaso not for seminar!

"No buts." sabi nya at tumayo na para bumalik sa table nya.

"Gail will tell you the details. Now go." Yun lang at nagmamaktol na akong lumabas nang office nya.

Wala akong gana kaya sinabihan ko nalang si Gail na i text nalang sakin ang details dahil gusto ko nang umuwi at magpahinga.

Nanlulumo akong umuwi. Bigyan naman siguro ako nang time na mag libot dun no? Kaso kase may klase pa ako next week. Weekend na yung seminar. hays.

"Oh? Anyare sayo?" Bungad sakin ni Nica at naupo ako sa tabi sya sa sofa.

"I'm going to Baguio." Malungkot na sabi ko.

Every Picture Tells A StoryWhere stories live. Discover now