Twenty-three

78 6 0
                                    

ATPL: Chapter 23


"Again, this is me, Ginn! Gi-ni-ni-nin!"


Nakangiti ako habang pinapanood si Glory na nag-o-outro sa vlog niya. Kumaway siya sa harapan ng camera at tinakpan iyon ng kamay pagkatapos.


We're here in Main Campus. I am with Adam and his friends. Kumpleto sila, pati si Glory, Rain at Karina ay narito rin. Reg was with Lance. Dahil vacant ni Lance at lunch break naman namin. Around Pureza lang sila kakain. 


Walang pasok si Adam ngayon pero kasama namin siya. Actually, he was the one who invited me to eat lunch with him and his friends.


Hinintay niya ako sa may labas ng CEA para sabay na kaming pumunta ng Main Campus. Habang naglalakad kami papunta sa Main Campus, panay ang tukso ko sa kaniya.


Inaasar ko siyang miss na miss ako, kahit nagkita naman kami kahapon. Matagal pa nga kaming nagsama sa Puregold dahil mahaba ang pila sa counter. And he stayed in our house too for a while.


"Bye! Take care you guys!" Nana waved her hand.


Kinawayan ko rin naman siya pati si Michael at Cedric. Silang tatlo ay dito na sa Main Campus. Kaya hindi na nila kailangang lumabas pa.


Unlike the rest of us na sa College of Engineering and Architecture Building pa, maliban kay Glory na sa College of Communication, na madadaanan din naman ng tricycle na sasakyan namin.


After that day, we were then back with our tracks. Kumpleto na rin kasi ang prof namin for the new semester. I was again busy with my plates. Kami rin ni Reg ang siyang madalas na magkasama.


Minsan naman sumasabay ako kay Lance at Reg tuwing lunch. Because like the last semester, I seldom see Adam inside CEA. I had his class schedule for this sem. Sa kaniya ko mismo nakuha ang schedule niya.


Not like the last time that I asked Reg to have Adam's class schedule through Rapunzel. I was able to get his schedule because of that short conversation in messenger with him. 


Balik na naman kami sa chat-chat nalang. But at least this time, his chat is not that short like before. Mga two words nadagdag ganurn. 


And I understand, because he's very busy. There are lots of things on his plate right now. Since paparating na naman ang Christmas vacation namin. Kahit halos katatapos lang ng sembreak.


Minsan nga reply nalang niya sa akin picture nang ginagawa niya. It's like the photo explains everything to me. Tho hindi naman niya kailangang magpaliwanag, dahil hindi naman niya ako jowa. My gosh.


Marami kasi siyang reporting at may plates din siyang ginagawa. Kapag ganoong picture nalang ang reply niya, hindi ko na kinukulit.


Because I know that he's busy and I don't want to bother him too. It's obvious that he's taking acads seriously, gusto ko nalang maging acad. 


Angela Velasco:

Aral mabuti. Tapos next time, ako na naman aralin mo :3 Goodnight!


I didn't wait for him to read my reply. Para na rin hindi na ako ma-tempt na magreply ulit kapag nagreply siya. Para naman pagtuonan nalang niya ng pansin ang ginagawa niya.


Hindi naman ako attention seeker, minsan lang.


I fixed my things on my study table. Tapos na rin ako sa mga assignments ko. Kaya pachat-chat nalang. But I'm planning to sleep now, since I have an early class tomorrow.


"Kabilang ka na naman sa samahan ng malamig ang pasko," Reg teased.


Umismid ako sa kaniya at pinagpatuloy ang paggawa ng plates. Nasa CEA kami ngayon, nakaupo sa isa sa mga upuan. Maraming estudyante na naglalabas-masok sa CEA.


"Ayos lang, babatiin pa rin naman ako ni Adam," bumelat ako sa kaniya. "It's enough to keep me warm,"


Ang lakas ng loob na asarin ako! Porket nagcome back sila ni Lance. Oh edi sana all! She was telling me her plans for Christmas. Kasama na ang part na mag-ki-Christmas date raw sila ni Lance.


As in the whole time we were doing our plate that afternoon in CEA, she was teasing me! Nang maasar ako, kasi asar-talo ako, binilhan niya ako ng siomai. Pampalubag loob! Pero kinain ko rin naman.


"Inaasar ako ni Reg, sabi niya kasama raw ako sa samahan ng malalamig ang pasko. Ang hindi niya alam, ichachat mo naman ako," sumbong ko kay Adam.


Today, we're in Nana and Michael's place. I have a long vacant at si Adam wala ng next class. But he's doing his plate. Nakasalampak kaming dalawa sa sahig nila Nana na may carpet. Kaharap namin ang center table.

Across the Pedestrian Lane (Sintang Paaralan Series # 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora