Chapter 20

1.9K 60 0
                                    

Lumipas yung mga araw na mas lalo pang napalapit si Jema at Deanna sa isat isa. 
Madalas na silang mag kasama at halos ay araw araw na silang nag kikita. Naiintindihan naman ni Bea at Jho yung sitwasyon kasi sila rin naman ni Jho yung madalas na magkasama, sinusulit kasi nila yung mga araw na andito pa si Jho.
:
Dumaan yung mga linggo at araw na unti unti ng nag babago yung tingin ni Deanna kay Jema. Bumalik narin ulit si Jho sa Hawaii at babalik rin naman ulit sa susunod na buwan.
Si Bea at Deanna naman ay nagiging busy na pag aaral nila, 5 months nalang kasi at ga graduate na sila ng College. Marami na yung bagay ang inaasikaso at kailangan nilang ipasa sa mga prof nila.
Si Jema namam ay nag karoon na ng dalawang branch ng kanyang coffe shop.Full support naman yung pamilya nya sa kanya para dun sa bussiness nya, yung nalang kasi yung pinag kakaabalahan nya ngayon.
Madalas nag kikita si Deanna at Jema kapag pupunta si Deanna sa shop nya para mag review o gawin yung mga reports nya, pag nagkikita sila lagi silang nag kukwentuhan ng kung ano anong bagay at kung ano yung mga bagay na nangyari sa araw nila. Super comfortable na sila sa isat isa pero yung tingin ni Deanna kay Jema ay hindi lang basta kaibigan, alam nyang higit na yun dun.
Alam rin ni Jema ang tungkol dun kaya mas lalo pa syang naging comportable na kasama si Deanna. Feeling nya kasi pag magkasama sila, parang mag layo niya sa kapahamakan, feeling nya hindi sya masasaktan at hindi sya mag iisa na harapin yung bukas. 
Sa tuwing mag uusap sila ni Deanna, iba yung tibok ng puso nya. Bumibilis at parang sasabog sa sobrang saya pero sa tuwing naiisip nya yung mangyayari sa future, yung ngiti sya mga labi nya ay bigla nalang napapalitan ng lungkot at pag hihinayang.
:
:
Deanna: Jema?!
:
tawag sa kanya ni Deanna ng napansin nitong nakatitig sya sa kawalan
:
Jema: oh bakit?(gulat na lumingon kay Deanna)
:
Deanna: ayos kalang? kanina kapa tulala parang hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko
:
Saad ni Deanna sa kanya at kinain nito ang isang kapiraso ng chocolate cake. Andito sila ngayon sa shop ni Jema, habang si deanna ay kakatapos lang gawin yung report nya sa major subject nila.Nakaupo ngayon si Jema sa harap ni Deanna, lagi nya kasi itong sinasamahan kapag dumadalaw ito sa coffee shop nya
:
:
Jema: oo nakikinig ako. May bigla lang pumasok sa isip ko
:
Sagot nya at ininom nya ang kapeng nasa harapan nya.
:
Deanna: so ayun nga. Mag hahike sana kami ni Bea bukas kaso lang na injured yung paa nya kahapon kaya diko alam kung matutuloy pa ako bukas. Gusto ko pa naman umakyat dun (pout)
:
Jema: saan ba kasi yung lugar na pag hahikingan mo?
:
tanong sa kanya ni Jema at biglang lumabas yung mga ngiti sa labi nya
:
Deanna: (nakangiti) sa Bulusan Peak. Pramis ang ganda ng view sa taas at sobrang sarap raw ng hangin dun kaya gusto kong puntahan. Kung wala akong kasama eh di ako nalang yung pupunta ron.
:
Nabigla naman si Jema sa sinabi ni Deanna. Mag isa? pano pag may mangyari sa kanyang masama?Mga tanong na agad pumasok sa isip nya ng sabihin yung ni Deanna sa kanya.
:
Jema: ilang oras ba yung pupunta run? Tsaka bat ka pupunta ng magisa?
:
Deanna: wala ako kasama eh...pero sabi pag mabilis ka daw mag lakad, 3 hours lang pero pag masyadong mabagal baka 3 hours and 30 minutes.
:
Jema: masyadong mataas ba?
:
Deanna: hindi naman masyado. Kayang kaya mo ata yun eh
:
Jema: pwede akong sumama?
:
Napangiti ng abot tenga si Deanna dahil sa narinig nya mula kay Jema. Hindi nya inaasahan na itatanong yun ni jema sa kanya. Yung mga isang pumunta dun ay masaya na sya, pero ang makasama si Jema ay mas masaya pa at nakaka talon ng puso
:
Deanna: oo naman pwedeng pwede HAHAHAHAHA
:
Jema: sayang saya?
:
Deanna: oo syempre makakasama kita eh.
:
kitang kita sa mukha ni Deanna yung saya at kilig na ikinatuwa ni Jema.kunti nalang ay mamula na ito sa sobrang pag ngiti. Natatawa nalang sa kanya si Jema paulit ulit nya kasing sinasabi na "sasama ka talaga ha" 
:
:
Deanna: sasama ka talaga?
:
tanong na naman ni Deanna kay Jema, napayuko nalang si Jema at tumawa dahil kanina pa nya ito naririnig mula kay Deanna 
:
Jema: oo nga ang kulit naman. Sige baka mag bago isip ko
:
Deanna: ay hindi na pero sasama ka talaga?
:
napakamot nalang si Jema ng ulo nya. Hindi kasi maka get over si Deanna sa kakasabi ng "sasama ka talaga"
:
Deanna: baka mahilo ka kasi pag papaakyat palang tayo. Hindi kita kayang buhatin pa baba
:
Napalitan ng pag aalala yung mukha at labi ani Deanna. Nag aalala sya na baka bigla na naman itong tumamlay at mahilo gaya nung pumunta sila sa dalampasigan
:
Jema: hindi na yan. Nag karoon kasi ako ng mens non pag uwi ko
:
palusot naman ni jema sa kanya.
5:30 na ng hapon at kailangan na nilang umuwi dahil maaga pa silang aakyat bukas.
Dapat ay 5 am paakyat na sila ng bundok para hindi sila masyadong maabutan ng init ng araw.
:
Sumabay na si Jema kay Deanna pauwi. Hindi kasi sya pinag dadrive ng daddy nga ng kotse baka raw maaksidente eh.
Inihatid na ni Deanna si Jema sa bahay nito. Bago nya paandarin ulit yung kotse nya ay tinulungan muna nya si Jema ibaba yung mga grocery at bouquet para sa mommy nito.
:
Deanna: ah sige Jema una na ako. Bukas nalang susunduin kita ah
:
pag papaalam ni Deanna kay Jema ng maibabana nya ang mga dala ni jema sa gate.
:
Jema: ah sige.. pero wait ano yung dadalhin ko bukas?
:
hindi pa kasi nya alam kung ano ba yung mga bagay na dapat dalhin, first time lang kasi nya na mag hiking hindi kasi sya pinapayagang ng mommy at daddy nya
:
:
Deanna: uhm extra clothes, aid kit, water of course, naka pack food, towel, and malapad na tela malamig na kasi sa taas eh
:
Jema: dun tayo matutulog? 
:
Deanna: oo dun, umaga kasi ulit tayo bababa, hindi naman kasi pwedeng hapon tayo bumaba masyadong mainit mangingitim kalang.
Pero dont worry ako na mag poprovide ng tent natin
:
Tutal wala namang kaalam alam si Jema pag dating sa mga ganyan ay umoo nalang sya.
Nagpaalam na si Deanna na uuwi na sya para maka pag handa narin sya ng dadalhin bukas. Sinabe nya rin kay Jema na matulog ng maaga para bukas ay may lakas sya sa pag akyat ng bundok at hindi sya mahilo.
:
Pag alis ni Deanna ay agad ng pumasok si Jema sa bahay nila. Hindi pa nya nasasabi sa parents nya ang para bukas pero alam nyang papayag naman ito tutal si deanna naman yung kasama nya.Inilagay nya ung mga daladala nya sa kusina at inayos ito sa mga drawer.
Habang nag aayos sya ay nag pipili na sya ng pagkain na pwedeng dalhin bukas.
Kinuha nya yung mga can goods at mga biscuit na nasa drawer. Kinuha rin nya yung naka pack na kakainin na naka lagay sa ref.
:
:
"anong gagawin mo dyan anak?"
tanong ng daddy nya sa kanya habang nag pipili pa sya ng mga pwedeng dalhin na pag kain
:
"ang dami nyan ah" dagdag pa ng daddy nya at kumuha ng tubig sa ref
:
Jema: ah oo po. Mag hahiking kasi kami ni Deanna bukas dad
:
ani nya habang tinitignan kung ano yung hawak nyang pagkain na naka balot sa cinamon 
:
Jack: hiking? Kayo ni Deanna? 
:
Jema: opo, papayag naman po kayo diba tsaka dad buong buhay ko diko naranasan yung mga ganto at ilang months nalang dad mag..
:
Hindi na naituloy ni Jema ang sasabihin nya ng biglang sumingit ang daddy nya
:
Jack: oo na sige na basta mag iingat kayo ah. Matulog kana rin pakatapos mo nyan, baka maaga kayo bukas.
:
Ngumiti nalang si Jema sa daddy nya at bumalik na ang daddy nya sa taas. 
Pakatapos nyang iyusin yung mga pinamili nya ay dumiretso na sya sa kwarto nya dala yung mga pagkain na napili nya.
:
:
Jema: ang dami naman ata nito pero okay na yan
:
saad nya sa sarili nya at inilagay nya yung mga pagkain sa ibabaw ng kama nya.
:
kinuha nya yung bag nya sa closet na dating ginamit nya sa camping kasama si Jho.
Malaki yung bag at madami yung pwedeng mailagay dum dahil sa laki ng space
:
una nyang inilagay yung dalawang t shirt na ipapalit nya pag dating dun at pag babab na sila. 
Sunod naman ay yung towel at malapad na kumot dalhin daw sabi ni Deanna. Inilagay nya sa gilid yung mga pagkain. Inayos nya ito ng maayos para hindi maipit at hindi masira yung plastik. Pinagitna na yung mga kakainin at yung parang rice cake na naka balot sa cinamon saka nya inibabaw yung gamot at aid kit para madali itong makuha kapag nag karooon ng problema
Nag lagay na rin sya ng tubig sa mini fridge nya saka na inilagay sa table yung bag.
Nag isip muna sya kung may nakalimutan pa ba syang dalhin pero mukhang wala naman kaya humiga na sya sa kama nya para matulog.
:
Bago pa sya makaidlip ng tuluyan ay biglang nag ring yung phone nya. Kinuha nya ito malapit sa may alarm clock banda sa kaliwang gilid nya at tinignan kung sino ito.
Si deanna pala yung tumatawag at mukhang tatanungin sya nito kung nakayos naba
:
:
*thru phone
:
Jema: oh bakit? Patulog na sana ako eh
:
Deanna: ah hindi mabilis lang. Gusto lang kita kamustahin
:
Jema: okay lang naman tsaka naka pag paalam na ako kay dad and guest what? Pumayag sya kasi ikaw yung kasama ko
:
Deanna: malakas talaga ako sa family mo Jema
:
Jema: sus
:
Deanna: ah naka ayos naba yung mga dadalhin mo?
:
Jema: oo tapos na, kaya patulog na ako
:
Deanna: ako rin. Sige na matulog kana susunduin nalang kita bukas
:
Jema: opo, ikaw rin
:
Deanna: ah Jema,
:
Jema: uhm?
:
Deanna: goodnight
:
Napangiti si Jema sa sinabi ni Deanna saka sya nag goodnight ng may mga matatamis na ngiti sa kanyang labi.
:
Jema: goodnight
:
ang saya ni Deanna ng marinig nya yun mula kay Jema hanggang sa ibaba na nila ang phone.
Pakatapos nilang mag usap ay ibinalik na ni Jema yung phone nya sa may table at ipinikit na nya ang mga mata nya at natulog
:
:
to be continue...
⚠️WARNING GUYS MAY MATURED CONTENT YUNG MGA NEXT CHAPTERS..Thanks for reading love y'all!!✨♥️

Leaving My Love BehindWhere stories live. Discover now