Chapter 28

3.8K 302 39
                                    

FMUS | CH28

"So, mag-isa ka lang talaga?'

Tumango ako. "Kinakaya ko naman. Malungkot minsan pero okay lang. Naiintindihan ko naman na para rin sa 'min 'yun. Kaya tinitipid ko rin ang pera kasi parang nako-konsensya akong gumastos nang gumastos. Sabi ni Mama, 'wag ko raw tipirin ang sarili ko pero hindi ko mapigilan. Alam ko kasing mahirap magtrabaho," kwento ko.

Naka-titig lang siya sa akin habang nagke-kwento ako. Ramdam ko talaga na nakikinig siya sa bawat salitang sinasabi ko. Paunti-unting nawawala ang intimidation ko sa kanya dahil sa senior ko niya.

"You amaze me," sambit niya.

"Mas nakaka-bilib ka. Dami mong pinagsasabay-sabay gawin. Accounting palang nga e sobrang loaded na agad sa gawain tapos nasa Student Council ka pa," sagot ko. Madalas ko siyang makita na may mga kausap na estudyante at prof. At tuwing nakikita ko siya sa hallway, madalas ay may mga dala siyang folders at minsan nga ay kahon pa.

Marami akong gustong sabihin kasi bilib talaga ako sa kanya nguni't pinili ko na huwag banggitin 'yung sa pamilya nila dahil nakita ko mismo na sobrang bigat ng pressure na binibigay sa kanya nina Tito Arthur. Baka kasi ayaw niyang mapag-usapan. 'Di ko rin alam. Ang gusto ko lang ay maging sigurado ako sa mga sasabihin ko kasi hindi lang naman ako ang may problemang dinadala. Pati 'yung iba ay meron din sadyang hindi lang natin alam kasi 'di natin napapansin at madalas ay pinipili nilang 'wag nalang sabihin.

"I'll accept that, sure. But we have different battles and you're still amazing. I can't even imagine myself being a million miles away from my parents. I live separately but still, your situation is unbearable for me."

"Hiwalay ka?" tanong ko.

"Yeah. I already have my own place. Gusto ko lang maging independent—kind of," sabi niya at medyo natawa. "That's why I envy how good you are at handling things."

"Kaya mo rin naman."

Nagkibit-balikat siya. "Maybe?"

"Kaya mo rin. Magaling ka."

"Thank you," sagot niya saka kumain ng pasta niya. "Na-i-intimidate ka pa rin ba sa 'kin?" biglang tanong niya.

Uminom muna ako ng tubig sa baso ko bago sumagot. "Konti. 'Di ko kasi maiwasan."

"What should I do?"

"Bakit?" tanong ko.

"Para 'di ka na ma-intimidate."

"Okay lang sa 'kin. Ikaw 'yan. Hindi mo kailangang mag-adjust."

Tinignan niya ako nang diretso. "You're really a kind person. Noon palang pansin ko na 'yan sa 'yo."

"Parang hindi naman. Meron din akong mga maling nagagawa at nasasabi."

"Can we be friends?"

Tumango ako. "Magkaibigan na tayo."

"I mean, a kind of friends who talk like this and hangout without minding that someone might get mad." Medyo kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "You know, Alli..." dagdag niya.

Napa-ngiti ako nang pilit. 'Yun pala ang tinutukoy niya. "Wag kang mag-alala. Bukod sa pagiging senior namin sa BSA ay kaibigan na rin kita," sagot ko.

"Walang magagalit sa 'yo?"

"Wala na. Hayaan mo na 'yun."

Sandali siyang nag-isip habang naka-tingin sa akin. "Is there a problem between you and—" biglang siyang tumigil. "Sorry. It's not my place to ask."

Fire Me Up, Second (BXB) [COMPLETED]Where stories live. Discover now