Be With U, Oppa!

47 5 1
                                    

ILANG SEGUNDO pa akong pumikit at ninamnam ang dampi ng malamig na hangin sa balat ko. While doing that, I took my time listening to the fascinating sounds around me. Kabilaang busina ng sasakyang dumaraan, kwentuhan mula sa mga tao sa premises ng hotel, at K-pop songs mula sa kalapit na establishments na buhay na buhay pa rin kahit gabing-gabi na.

Daebak!

Pagdilat malawak akong ngumiti. Again, tumambad sa paningin ko ang maningning, makulay, at abot-tanaw na front view ng KBS Hall. I smiled dreamily at nangalumbaba sa metal railing ng kinaroroonan kong veranda.

Finally! Natupad na rin ang ultimate dream ko. Bigla, parang gusto kong mag-egg roll sa mala-yelo sa lamig na sahig para sabihin kay self na totoong nasa Korea ako. At hindi lang ako basta narito para i-enjoy ang simula ng winter season. I was here to attend ASTRO's concert. Tomorrow, masisilayan ko na rin ang makalaglag panty na smile ng ultimate oppa kong si Cha Eunwoo!

Kanina pa nanginginig ang mga kalamnan ko dahil sa magkakahalong kilig at excitement. Ramdam ko rin ang pamamawis ng magkabilang kili-kili kahit pa nasa nine degrees Celsius ang temperature ngayon sa Seoul at tatlong patong ang suot kong jacket.

"Hoy, bes, 'ayos ka lang ba? Kanina ka pa parang bulateng binubudburan ng asin d'yan. Niddy, kalma! Wala pa tayo sa mismong concert!" napapalatak na saway ng katabi kong si Yenny. Bahagya ring nanlaki ang singkit niyang mga mata. Mayamaya naiiling na ibinaba niya ang hawak na camera sa katabing mesa.

Muntik nang magpantig ang mga tainga ko sa pang-aasar niya pero dahil masiyado akong masaya, kinurot ko na lang siya ng very light sa tagiliran. Tapos, tumitig ulit ako sa magandang view sa harap ko. Hindi pa ako nakuntento, kinuhanan ko pa 'yon ng pictures at ipinost agad sa social media.

"Gaga, umayos ka nga! Para kang shunga kakangiti d'yan. Mamaya hanggang sa concert hall umasta kang parang sinasapian. Dapat mag-ala dalagang Pilipina ka sa harap ni Eunwoo bukas!"

Matalim kong inirapan si Yenny. "Tse! Happy nga ako. Support mo na lang kaya ako?"

"Bahala ka nga. Ang mabuti pa lumabas na tayo't humanap ng makakainan. Gutom na siguro ang mga alaga mo kaya ka gan'yan."

Parang nabuhay lahat ng dugo sa katawan ko nang banggitin ni Yenny ang salitang "pagkain". Mabilis pa sa alas-kwatrong umayos ako ng tayo.

"Yay! Let's eat sangyup, beshy! Tamang-tama lunch pa ang huling kain ko."

Malawak akong ngumisi saka excited na hinila siya palabas ng hotel room. Might as well enjoy my stay here. Dapat marami akong kainin para full blast ang energy ko bukas. Sa isiping 'yon kinilig nang bongga ang katawang-lupa ko.

PERO imbes na masiglang fan chants at iba't ibang concert lights ang makita ko, siksikang shoppers sa Myeongdong at hindi ko maintindihang usapan ang pumuno sa pandinig at paningin ko.

For the nth time nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Gusto kong ngumawa nang pagkalakas-lakas dahil sa sobrang lungkot at kabiguan. It has been two days since I got discharged from the hospital. Yes, sa ER ang destination ko sa mismong concert ng ASTRO instead na sa KBS Arena.

Kung hindi lang sana ako nag-feeling Koreana sa paglamon ng sangyupsal at pagpapak ng isang garapong kimchi, nakita at nayakap ko sana ang babies ko. Sumpain ang lintik na katakawan ko pati na rin ang pesteng sikmura ko! Bakit kasi nawala pa sa isip kong prone ako sa LBM kapag naparami ng lamon?

Shit na malagkit!

Lulugo-lugo at naluluhang naupo ako sa namataan kong bench. Ayaw na yata akong tantanan ng kamalasan. First, I wasn't able to attend ASTRO's concert—now, I'm lost. Kanina pa pa ako nagpapalakad-lakad dito pero hindi ko na makita ang anino ni Yenny! Dapat hindi na talaga ako nagpapilit sumama since sira na rin ang bakasyon ko. Hindi ko rin siya matawagan dahil naiwang naka-charge sa hotel ang cellphone ko.

Be With U, Oppa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon