Chapter Two

6 2 3
                                    

"Bakit ba palagi kang busangot lately? Huh, Kate?" sabi ni Jin ng nakita nya ako papasok sa room sa next subject namin ngayon.

Kinunot ko noo ko sabay sabi ng "Huh? pinagsasabi mo?" binaling ko ang atensyon ko kay Ely, "Ely, linagyan mo ng signature ko, ba?" tanong ko kay Elisa.

"Oo, inuna pa nga kita eh para 'di ko makalimutan. Tsaka bakit ba hindi ka pumasok? May time pa naman and hindi naman makikita kung may late dahil sa wall" usisa nitong si Elisa.

"Alam ko pero kasi anong gagawin ko doon e tapos na kayo sa activity naman na tsaka baka may asong tatahol at masumbong pa ako kasi ingitera" pagtutukoy ko kay Ayla na kaibigan ni Hazel na hindi ko alam bakit ang init ng dugo nila sa akin.

"Pinariringgan mo ba ako, huh, Kate" pakikisabay ni Ayla sa amin.

"Huh? Ingitera ba pangalan mo? Huh, Ayla?" tinignan ko siya at kinunotan ng noo sabay pamimilosopa ko sa kanya.

Sinamaan nya lang ako ng tinggin pagkatapos nagpatuloy sya sa pagme-make up session niya. Parang coloring book mukha nya. Tss.

"Good morning, class" pagbati ng professor namin sa subject na ito.

Ang ganda ng topic ngayon kaya lang ang boring niya magturo pero dahil interesado ako 'di ako dinalaw ng antok at baka malintekan ako habang itong si Ely na katabi ko eh papikit-pikit na ng mata niya. Kinuha niya ang phone niya para hindi siya makatulog at hinahayaan ko sya mag phone sa gilid kesa naman matulog siya, malintekan pa. Pwede naman mag phone sa class ng prof namin ngayon kasi yung powerpoint na nasa harap ngayon eh may copy kami.

"So, that's it for today. Any question, class? Violent reaction, clarification about the topic for todays meeting?" tanong ng prof namin.

Natapos ang period ng matiwasay, na salamat sa Diyos at wala namang ibinilin na requirement.

"Kate, Jin, hindi na muna ako sasama mag lu-lunch sa inyo ngayon, ha? Sabay kami noong ka fling ko ngayon." biglaang sabi ni Ely.

"Wow! Sana all. Sana all may kasama mag lunch kahit fling pa" sabi ni Jin sa pinsan nya.

"Beke nemen may kaibigan yarn? Reto mo 'ko fren!" sabi ko naman kay Ely.

"Huwag na at hindi mo naman papansinin, napakasuplada mo ghorl! Oh, siya sge, kayo muna mag sama ngayon mag lunch, ha? Kita na lang tayo later." Pamamaalam ni Ely.

Habang papunta sa gitnang stairs  nag chichika lang si Jin kasama yung Mayor namin dahil close naman sila. Actually close kaming tatlo sa Mayor kasi ang gaan niya kasama.


"Wait lang, sis! May kasama ako mag-lunch eh. Yung highschool barkada ko nag-aya mag SM seaside. Okay lang ba na iwan kita, ngayon lang 'to na ulit eh" sabay lagay ng phone nya sa bulsa nya, siguro binasa yung message ng kaibigan niya.

"Okay lang naman sa akin, ano ka ba! Go! mag enjoy ka sa lunch niyo." Tinulak ko siya nang unti para di siya magdalawang isip na iwan ako.

"Sure ka? Pwede ka naman sumama kina Paul mag lunch" tukoy niya sa Mayor namin.

""Oo, pwede ka naman sumama sa amin basta ba kumakain ka sa karenderia?" pang gago ni Paul sa akin.

"Gago ka! Parang ngayon nyo lang ako nakakasamang kumain ah. Di naman ako ma arte." sagot ko sa kanya.

Nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ng skirt namin habang ginagago talaga ako nitong si Paul.

From: Trever Kever
Lunch tara. Sa may Colon lang kasi nakakatamad kapag sa malayo.

Nag text yung kaibigan ko na for sure group message 'to. Nays may kasama akong mag lunch kahit gusto ko naman makasama sila Paul at kahit na close kami kaya lang may sarili syang barkada tapos ako joiner lang kapag wala si Ely at Jin.


"Oy, Paul" mayor namin pero first name basis lang. Nays. "Di na pala ako sasama sa inyo mag-lulunch" sabi ko sa kanya and sya na bahala mag sabi sa iba.


"Bakit? May kasama ka?" Tanong nya.

Palabas na kami sa backgate nang nag paalam na si Jin para pumuntang Seaside.


"Ingat ka, Jin!" Sabi ko sakanya bago sya tumalikod at umalis na. Binaling ko ang atensyon kay Paul, "Oo, mag-lulunch ako kasama kaibigan ko sa highschool" sabi ko sa kanya.


"Anong meron ngayon? Bakit kasama nyo kaibigan nyo sa highschool? Sige pakabusog ka, ha! Pasalubong na rin hehe" tinalikuran na nila ako ng nasa labas na kami, ang kapal ng mukha talaga para naman nya akong nanay.



To:Trevor Kever
G ako

From: Trevor Kever
Nays. Pass si David, eh. Magsasabay na rin kami ni Cara. Ingat u papuntang Ribshack.

To: Trevor Kever
Magkasama na ba kayo ni Cara?

From: Trevor Kever
Oo, kakakuha ko lang sa kanya,  nasa TC pa kami.

At dahil malapit lang ang university namin sa Colon  at malayo pa naman sila Trevor at Cara napagpasyahan ko munang dumaan sa Robinsons Galleria para bumili nong hinahanap kong libro.

Pagkarating agad sa Galleria pumunta ako sa Natio para maghanap sa libro. Nang mahanap ko ang "Eleven Minutes" at "The Boy in Striped Pyjamas" pumunta agad ako sa counter para magbayad, kaya lang ay napadaan ako sa rack ng mga highlighters kaya kumuha na rin ako ng tatlo, neon blue, neon orange at neon yellow. Ewan simula noon nag senior high ako nahilig ako nito.

Habang nagbabayad sa counter biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang mensahe ni Cara.

From: Doble Cara
wru?

To: Doble Cara
Galleria

From:Doble Cara
Kunin ka namin ha

To: Doble Cara
Wag na, mapapalayo lang kayo eh. Kung mauuna kayo, kayo na maghanap ng seats.

"Hindi naman halata na mahilig ka mag basa, ano?" Biglaang sabi ng lalaki sa likod ko. Nagulat ako kaya masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya pag baling ko.

"Ano ba! Pati pa dito, binubwesit mo rin ako?" Sabi ko sa partner ko na hindi ko pa rin matandaan yung pangalan hanggang ngayon. Para naman tong kabute, sumusulpot kahit saan.

Bwesit na usiserong mongol na 'to! Iniwan ko na nga at pumunta na sa kakainan namin ng mga kaibigan ko.



;)

Gone WrongWhere stories live. Discover now