4 A.M.

15.5K 936 137
                                    

CAILEAN bit her lower lip. Wala siyang maisagot kahit na joke pa dahil kahit baliktarin niya ang mundo, kasalanan niya talaga kung bakit sila nasira. Kasalanan niya kung bakit sila naghiwalay, kasalanan niya kung bakit pakiramdam niya, bitter pa rin siya sa buhay.

"Kylo," mahinahong sambit ni Cai. "Ayaw kong magbangayan tayo. For now, puwede bang itong remaining twenty hours na magkasama tayo, huwag muna tayong mag-away? For the next twenty hours, puwede bang maging magkaibigan tayo?"

Kylo smiled and looked into Cailean's eyes. "Of course. Ever since naman, ayaw mong pag-usapan kung ano 'yong nangyari sa atin. I would respect that." Nag-iwas siya ng tingin. "And sure, let's be friends for the next twenty hours. After naman no'n, mawawala na ulit ito, right?"

Tumango lang si Cailean at sumubo ng lasagna. "Gusto mo lasagna? Binilhan din kita."

"Sure," sagot ni Kylo. "Seryoso, hindi ka pa ba nabubusog?"

"Nabubusog naman, kaso sa ganitong oras, mabilis ng metabolism ko kasi mahilig kami kumain sa office habang nagtatrabaho. Sa maghapon kasi, tulog talaga ako. Before ng wedding, kahapon, galing ako sa office. Nagmadali na lang din ako."

Kumunot ang noo ni Kylo. "Wait, so you're telling me na hindi ka pa natutulog?"

Cailean shook her head. "Nope, siguro mga thirty hours na akong gising, but it's fine. Sanay ako. Sanay akong hindi natutulog nang tama."

"Bad for your health, Cailean."

Hindi na siya sumagot.

"Do you drink, do you smoke?"

Umiling si Cailean. "Hindi, 'no! E di, in-asthma na naman ako. Naalala mo ba no'ng college, no'ng PE tapos pinatakbo tayo sa court. Tang ina! 'Yong hingal ko no'n!"

Kylo smiled. "Oo, naalala ko na humiga ka na sa gitna ng court tapos tawa ako nang tawa, iyon pala, hinihika ka na. Dinala pa kita sa clinic. Habang waiting ako, tulog ka na."

"Oo, ang lakas ng gamot no'n, e." Cailean smiled. "Tapos simula no'n, naging friends na tayo. Na lagi mo na sinasabi sa professor natin na hindi ako puwede sa matinding activity."

"Na ginawa na lang natin excuse para hindi ka na mag-PE." Kylo laughed. "Na sa tuwing PE, para kang prinsesa na nagtsi-check ng attendance, kaming lahat, nagpapakahirap tumakbo."

Cailean bit her inner cheek dahil wala na siyang gustong sabihin. Ayaw niyang balikan 'yong nakaraan, pero biglang nag-overflow lahat ng memories na mayroon sila ni Kylo. Their friendship, how they started, how sweet and supportive he used to be, and how Kylo loved her.

"Nakatatlong girlfriend ako," biglang sabi nito, "dalawang Pilipina, isang taga-New Zealand. Ang pinakamatagal? Six months."

"Ang bilis mo naman! Ako naman, 'yong isa, umabot naman kami ng isang taon. Kaso lang, hindi talaga nag-work. Na-bore yata siya sa presensya ko. Tapos after three months, 'yon, nagpakasal. Nabuntis pala niya kaagad iyong bago niya," pagkukuwento ni Cailean. "Okay naman kami, we're friends. Ikaw, ba't naman six months?"

Kylo smiled. "Ewan ko. Siguro, na-bore rin sila sa akin. Mas madalas kasi na nasa work ako maghapon at weekends ko lang sila nailalabas. Hindi naman kasi ideal sa babae 'yong gano'n. Some girls are just clingy. Naiintindihan ko naman 'yon."

Natawa si Cailean. "Ang sabihin mo, clingy kasi 'yong nahahanap mo. Ganyan din ang ibang ex ko. At saka, huwag mo nilalahat ng babae. Pati lalaki rin kaya, clingy! Iyong mga ex ko, minsan, gusto after work, magkikita kami. Like, dude, tang ina, pagod ako sa work!"

"Same sentiments, though," sagot ni Kylo bago uminom ng kape. "Siguro, magiging single and tito na lang din ako habambuhay. Imagine, I just wanna work and sleep after that."

24 Hours Asawa ChallengeWhere stories live. Discover now