Chapter 3 - BF Vibes (Best Friend Vibes)

89 1 0
                                    

Kristal’s POV

Patuloy pa rin naming dinadaldal ni Andres si Inna at napatingin ako kay Andi. Aba’t nangingiting mag-isa ang best friend ko ha. Nagt-tweet na naman siguro ‘to. At for sure, si Brian na naman ang katweet nito.

Nako. Ang best friend ko na hopelessly in love sa isang lalaking ngayon lang sya pinansin in eight years. Oo, eight years. Mas matagal pa sa nila-last ng normal couples. Eto kasing best friend ko, magaling magtago ng feelings pagdating kay Brian.

Grade 5 pa lang kami, crush na nya yan. Kaklase kasi ng pinsan nya si Brian noon na one year ahead sa amin. Ever since, naging silent lover na ‘tong si Andi. Sa ganda nyan, madaming nagkakagusto dyan pero napakamanhid! Biruin nyo ang mga nagtatangkang manligaw dyan nung high school kami eh yung singing heartthrob ng batch namin, isa pa yung tahimik na gwapo na si Ryan Martin. Kamukha nga ni Albie Casino yun eh. Mas gwapo pa. Eh malas nila, sobrang infatuated ang best friend ko kay Brian. Noong JS Prom namin, section nila Brian ang kapartner ng section namin. Etong si Jandrei naman, tuwang tuwa. Kaso ibinilin ni Tito Tony na si Kuya Lloyd muna nya ang maging partner ni Andi. As expected, nalungkot naman ang babae pero wala naman syang magawa dahil di pa alam nila Tito Tony yung tungkol kay Brian. Nalaman lang nila nung kinwento ni Lloyd after nung prom na may gusto nga si Andi kay Brian. Tapos nung gabing yun, isasayaw na sana ni Brian si Andi, kaso napakagaling ng tadhana, naging party party bigla yung tugtog bago pa man sila magkahawakan ng kamay. Galing noh?

Tapos grumaduate na sina Brian, dapat nga pupunta din si Andi noon dahil ggraduate din si Kuya Lloyd nya. Kaso di kineri ni Andi eh. Kaya sina Tito Tony and Tita Mina na lang ang pumunta. Dinamayan ko sa page-emo si Andi nung gabing yun.

Sa UST nag-college si Brian kaya sinikap din ni Andi na makapasa sa UST Pharma. Syempre, ako naman si best friend at dahil pareho kami ng pangarap, sa UST na din ako nag-college kasabay ni Andi.

Pero lalaki din si Brian, at lahat ng lalaki, may mga nagugustuhan. Yung crush dati ni Brian na si Lisa, akalain mong girlfriend na ngayon ki Kuya Lloyd? Haha. Pero may isang babae na dahilan ng mga page-emo at pag-iyak ni Andi. Si Lesslie Javier yun. Kung si Andi ang first love ay si Brian, si Lesslie naman ang first love ni Brian. Kung gaano katagal hinihintay ni Andi si Brian, ganun din katagal hinihintay ni Brian si Less. At ang hirap, best friend ni Brian si Less.

Odiba? Winner na winner ang istorya ng lovelife nitong si Jandrei Cassandra Estrella Villena? Hahaha. Kaya kahit ano pa at sino pa ang ireto nila dito sa best friend ko eh alam na alam ko na kahit anong mangyari, si Brian pa din ang magpapatibok at nagpapatibok dyan sa puso ni Andi. Lalo pa akong sumolid sa Team Brian nang nalaman ko na babaero yang Ian na yan.

“Uy Inna, tingnan mo yung pinsan mo oh, laki ng ngiti. Haha.” Sabi ni Ahniel kay Inna.

“Kaya nga eh. Haha. Baka hinanap profile ni Kuya Ian sa fb.” Sagot ni Inna na mabilis ko namang sinalungat.

“Hoy, wag ka nga, Inna. Katweet nyan si Brian kaya abot hanggang tenga ngiti nyang si Jandrei.” Sabi ko with a smile. Haha. Ako ata ang president ng Team BrAndi.

“Si Brian??? Yung matagal na nyang crush?” tanong ni bebe Inna.

“Yes, honey. Nag-umpisa silang magtweet tweet kanina.” Sagot ni Ahniel.

Patuloy lang kaming nagtsismisan hanggang may tumawag kay Inna.

“Inna?” tawag nung lalaki at lahat kami, pati na rin si Andi, ay napatingin kung sino yun.

Aba, gwapo, matangkad at maputi. Ito siguro si Ian. In fairness, ok sya. Pero ayoko pa din sa kanya kaya medyo inirapan ko.

“Kuya Ian! Oh bakit ka nandito?” tanong ni Inna na tumayo at niyakap ang pinsan nya.

“Ikaw ha, parang ayaw mo na nandito ako. Haha. Nakatambay lang kasama yung high school friends ko. Eh nagtext si Tito Benji na nandito kayo at nandito ka daw sa Happy Lemon. Sabi nya na sabay na daw ako sa inyo pauwi.” Explain naman ni Ian na patuloy ko pa din na iniirapan. Tiningnan nya kami isa isa hanggang sa napatingin sya kay Andi. Medyo matagal nga yung pagkakatingin nya kay Andi eh.

“Inna, sino mga kasama mo?” finally. Natauhan din para magtanong.

“Ah, Kuya Ian, eto nga pala sina Kuya Ahniel, Ate Kristal and si Ate Andi. Pinsan-slash-pamangkin ni Mama si Ate Andi.” Sabi ni Inna habang pinapakilala kami kay Ian at kumaway na lang kami.

“Hello sa inyo. Hi, Andi.” Bati nya.

“So…si Andi lang pala ang natandaan.” Bulong ko at siniko naman ako ni Ahniel. Parang nabigla naman si Andi at kumaway na lang ulit.

Na-feel ko naman na uncomfortable si Andi kaya nag-aya na ako.

“Uy, Inna, pasensya ka na pero may bibilin pala kasi ako sa PRP. Una na kami ha. Kasama mo naman yang si Ian eh.” Sabi ko habang hatak hatak ko sina Andi at Ahniel. Tumango na lang at nag-wave ng bbye si Inna.

Nang makalayo layo na kami ay nagsalita na ako.

“Andi, kahit anong mangyari, promise me na never mong ie-entertain yang si Ian.” Sabi ko.

“Hoy Kristal Mae! Napakapakialamera mo ha!” sigaw sakin ni Ahniel.

“Andres naman kasi. Hindi ko gusto yung dating nyang Ian na yan eh. Babaerong nakakainis.” Sabi ko na iritang irita pa din.

“Kristal, aaminin ko sayo, medyo naiilang ako sa kanya na hindi ko maipaliwanag eh.” Amin ni Andi.

“Basta, promise me, Andi.” Sabi ko habang seryosong nakatingin kay Andi.

“Yes, Kristal, I promise.”

-_-_-_-

Please do vote, comment, and be a fan! Thanks! xx

Picture on the side is Kristal

JadedWhere stories live. Discover now