Kabanata 3: Kabiyak ng anak ng Bathaluman

796 64 0
                                    

Hi guys! Medyo napaaga ang update ko pero ayos na rin 'yon kasi ginanahan akong magsulat. Hehe, enjoy reading!

_

3- Kabiyak ng anak ng Bathaluman

"Umupo ka. Magpapalit lamang ako ng kumportableng kasuotan." Sabi niya pagkapasok namin.

Iginala ko ang aking mata sa malawak niyang silid. Punong-puno ito ng mga aranya at halos gigintuin lahat ng mga kagamitan. Hindi nakapagtatakang mayaman at asensado ang Kaharian ng Virtus dahil na rin sa mga kagamitang sumisimbolo nito.

Nagitla ako nang maghubad si Prinsipe Judiel mismo sa aking harapan kaya nakita ko nang malapitan ang maskulado at batak niyang katawan. Napaiwas ako ng tingin dahilan upang siya ay mapatawa.

"Hindi mo na kailangang iiwas ang iyong paningin sa aking katawan Lory." Ngisi niyang sabi sa akin.

"Bakit naman?"

"Dahil ngayon pa lang ay pagmamay-ari mo na ito. Walang kaso sa akin kung hawakan mo ito o himasin...mas matutuwa pa ako kung gagawin mo iyon."

Pinamulahan ako sa mga sinabi niya. Mas lalo akong hindi naging kumportable sa wangis niya kung kaya panay ang iwas ko ng tingin.

"Huwag kang mangarap nang mataas Prinsipe Judiel. Isa pa, ang katayuan ko ang pag-uusapan natin, hindi ang makamundo mong pagnanasa."

"Pinapaalala ko lang na sa iyo na ako. Pero sige, ano ang una mong gustong tanungin." Umupo siya sa tabihan ko at tumitig nang malalim sa aking mga mata.

Tumikhim ako bago magsimulang magtanong.

"Bakit ako nandito?"

"Dahil ikaw ang itinakda." Mabilis niyang turan.

"Habang naglalaban ang liwanag at dilim sa kabilugan ng buwan, may babawian at may mabubuhay. Ikaw Lory ang tinutukoy ng propesiya na muling mabuhay at gumanap ng tungkulin. Kinuha kita dahil ikaw ang kapalit sa isinangla kong pusta."

"P-pusta? Anong pusta?"

"Ang pusta ko sa Bathalumang Amadeus. Siya ang pinaka-makapangyarihan na bathaluman dito sa Arcania na siyang ama ko. Isinangla ko ang pustang iiwanan ko ang kaharian ng Virtus kapalit ang pagiging kabiyak mo. Sa madaling salita, ako na ang mamumuno dito kasama ka. Patawad ngunit sa ayaw mo man o sa hindi, hindi mo na mababago ang itinakda. Matagal na kitang minamatiyagan simula nang lumipat kayo sa Bagong Lilim."

"Kilala mo na ako sa simula pa lang?"

"Oo. Matagal na matagal na bago mo pa makilala si George, isang Brukes."

Napatayo ako sa kaniyang sinabi. Halos hindi ako makapaniwala sa mga isiniwalat niya.

"K-kilala mo rin si George?"

"Natural na makilala ko siya dahil minsan ko na siyang nakasama sa pagsasanay noong hindi pa namumuno ang Haring Argus sa buong Arcania."

"Kung pinamumunuan ni Haring Argus ang buong Arcania, ibig sabihin ay sakop din nito ang iyong kaharian. Isa ka niyang kapanalig tama ba ako?"

"Nagkakamali ka. Ang aking kaharian ay protektado ng mahika ng ama kong bathaluman. Nagkasundo rin sila na walang mangyayaring labanan kung hindi niya gagambalain ang ating nasasakupan. Kaya huwag kang mag-alala, kailanman ay hindi ako papanig sa kasamaan."

Muli akong umupo sa tabihan niya. Tiningnan siya nang malapitan, mata sa mata.

"Bakit ako ang pinili mo?"

"Dahil espesyal at nag-iisa ka lang, Lory. Kita ko kung paano ka protektahan ng pamilyang Brukes at alam ko rin kung ano ang kakayahan mo. Isa pa, hindi lang naman ako ang pumili sa iyo upang maging kabiyak ko, pati na rin ang bathaluman."

"'Bat hindi ka tumutol?"

Bigla siyang natahimik. Huminga ako nang malalim at napatango dahil alam ko naman na hindi niya iyon sasagutin.

"A-ah ibig kong sabihin ay—"

"Dahil gusto rin kita."

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now