•6•

14K 195 22
                                    

DAHLIA

"D? Finally, akala ko isusubsob mo na iyang katawan mo sa company niyo, e." I rolled my eyes to her.

Buti na lang it's saturday, walang work sa company nila Dad.

Hindi pa rin kasi makaka-uwi si kuya Doms kaya heto ako nag-extend ang pagiging CEO kuno ko.

Pinangnikitan ko siya ng mga mata ko. Buti nga pumayag pa ako makipagkita sa kanya, e. I'm so exhausted.

Parang gusto ko na lang magstay maghapon sa bahay hanggang bukas. Dahil pagod na pagod talaga ang katawan ko.

Mahirap pala ang ginagawa ni kuya Doms. Compare sa business namin ni Thana.

Ngumiti ito sa akin, "sorry, D." Sabay peace sign nito sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" Ani ko rito.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Thana, never ko pa talaga nakikita ang kuya niya. Always daw na sa abroad.

Hinanap ko si Thunder, baka siguro nasa labas at naghihintay sa akin.

Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanang pisngi niya, waring nag-iisip ang bruha.

"Let's go to padis? What do you think?" Pagtatanong nito habang nakatingin sa akin.

"Let's go?" Ani ko rito at tumayo.

Wala rin naman kaming gagawin, e. Saka hindi naman club ang padis, p'wedeng kumain doon and may live band sila minsan.

Tumayo ako at pinagpagan ang pants ko. Hindi talaga ako sanay magsuot ng shorts, skirt or maong pants, hindi ko lang talaga type na isuot ang mga gano'n.

Nauna na akong lumabas, doon ko na lang siya hihintayin sa kotse.

Nilibot ko ang tingin sa paligid ko, walang Thunder akong napapansin. Saan naman kaya naglusot ang isang iyon?

Sinilip ko ang bmw na dala namin, wala siya roon. Iniwan ba niya ako? Eh, nasa kanya iyong susi, siraulo ba siya?

Sumandal ako sa kotse habang hinihintay si Thunder kahit kailan talaga ang isang iyon, hindi makapirmi sa isang lugar.

Ilang minuto lang at nakita ko siyang lumabas sa back door nila Thana. Pinto iyon papunta sa kusina nila.

"Saan ka galing?" Bungad ko rito nang magtama ang mga mata namin.

"Naki-cr lang ho, Ms. Dahlia."

"Kanina pa ako naghahanap sa'yo, kapag may nawalang gamit sa bahay nila, ikaw ang sasabihin ko. . . Buksan mo na iyong pinto." Pagtataray ko rito.

Pinindot niya ang remote ng kotse kaya tumunog ito.

"Hihintayin pa natin si Thana. Ipag-drive mo kami papuntang padis, okay?" Utos ko rito at sumandal.

Ilang saglit lang at bumukas na ulit ang pinto at nakita ko si Thana na naka-dress na black. Hindi naman bar ang pupuntahan namin.

"Sorry, natagalan ako. Nagpaalam pa kasi ako kay Alaric. You know naman diba, sobrang aligaga nu'n kapag hindi niya alam kung nasa'n ako." Tumango lang ako sa kanya.

Pero, hindi nakaligtas sa akin ang pagtingin niya kay Thunder.

##

"Order tayo nito, D?" Tinuro niya ang set D sa menu ng Padis.

May kasama kasi itong Onion rings, fries, calamares, tempura and liempo with drinks na.

"Okay!" Malakas na sabi ko rito.

Medyo maingay na rin kasi. May live band na kumakanta ngayon kaya kailangan mong lakasan ang boses para makarinigan kayo.

Sa kaliwa naming table ay sila Thunder kasama ang driver ni Thana. Sumunod kasi ito sa amin, dala ang kotse na pagmamay-ari nila.

"D, It's true na naghahabol nga si  Rome sa'yo?" Pinang-ikutan ko siya ng mata.

Bwisit na Rome na iyon, panay text at tawag sa akin. Humihingi ng sorry at hindi na raw gagawin niyong pambabae niya.

Sino naman tukmol ang maniniwala sa kanya, aber?

Once a playboy, always a playboy.

Manigas siya.

Tumango ako rito, "Yah. Blinock ko na nga iyong mga number niyang tumatawag at nagtetext sa akin. Pero, ang kulit pa rin niya. The nerve!" Sabay subo ko ng fries.

"Ang kapal ng mukha niya, nuh? Kagaya ng Daddy niyang lantarang ang vote buying nu'ng kasagsagan ng election." Sabay kaming tumawa sa sinabi niya.

Pero, nanalo pa rin ang Daddy niya bilang konsehal. Wala, e. Gano'n siguro kapag mayaman talaga lahat gagawin para manalo.

"Anyway, may nag-invest sa ating bagong investor. . ."

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya, "who?"

Nagkibit-balikat ito sa akin, "ikaw ang gustong makilala. Nagsend lang sa akin ng email and cheque for his investment sa company."

"His?" I asked baka mali lang siya ng sabi or mali ako ng pandinig.

But, she nodded, "Yah, his."

Lalong kumunot ang aking noo sa sinabi niya, "first time may mag-invest sa atin na lalaking investor. Ano kaya pakay niya?" Pagtatanong ko rito.

"Wala nga sinabi, D. Ikaw ang gustong makausap." Ani nito sa akin at tumingin sa kaliwa namin.

Sino kaya niyon?

Tuloy-tuloy ang pagkanta ng live band kaya lalong nag-ingay ang mga taong nandito.

"D-dahlia. . ." Napatingin ako kay Thana ng sipain ako nito sa aking paa.

"Why?" I asked habang nakatingin pa rin sa live band.

Sinipa niya ulit ako at kung anong tinuturo sa likuran ko, na hindi ko na dapat ginawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Malakas na sabi ko sa lalaking nasa likod ko.

•••

Let me know your thoughts through comments and please votes.

Thank you, loves!! 😸💛

[ Last update for this week. Balik ako sa Monday. ]

Touch In The Dark ✓Where stories live. Discover now