SIGTY 14

72 11 7
                                    

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang sagutin niya ang tanong ko.

Tila tumigil ang mundo ko pagkatapos kong marinig ang kaniyang sagot.

M-May girlfriend na siya?

I-Ibig-sabihin, y-yung girlfriend niya ang mag-transfer dito sa school?

"Mahal ko siya." Sabi nito bago niya ako iniwan.

Napa-upo ako sa sahig pagkatapos kong marinig na sumara ang pinto, mabilis na umagos ang mga luha ko pababa sa aking pisngi.

Akala ko.

Akala ko may pag-asa na ako. Akala ko unti-unti niya ng napapansin na mahal niya ako. Akala ko napansin niya na yung mga signals na binabato ko sakaniya.

Natakpan ko ang bibig ko at humagulgol. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib dahil sa sakit.

Masakit.

Sobra.

"Chewy." Bumukas ang pinto at iniluwa si ate Darienne. Nanlaki agad ang mga mata nito ng makita akong naka-upo sa sahig, umiiyak. Agad niya akong dinaluhan. "Chewy, anong nangyayari?!" Gulat na tanong nito. Naisandal ko ang ulo ko sa balikat niya at doon nagpatuloy sa pag-iyak.

"Anong nangyayari? Sagutin mo ako." Tanong ulit nito, alalang-alala na base sa boses nito. "Nakita ko si JK na lumabas sa kwarto mo, anong nangyari?"

"U-Umasa ako, ate." Umiiyak na sagot ko. "Umasa ako sakaniya. Umasa ako na akala ko may pag-asa na."

"Umaasa lang ako sa wala katulad ng sabi ni kuya Tyron kanina." Huli na nang marealize ko ang sinabi ko. Natigilan sa paghahaplos si ate sa likod ko ng mabanggit ko ang pangalan ni kuya Tyron.

Baka mag-away pa sila dahil sa akin. Sana hindi.

"Akala ko merong ibig-sabihin, pero wala pala." Dagdag ko para man lang malihis ang atensyon niya kahit alam kong hindi agad mangyayari iyon. "Ssshh.. tahan na, baka marinig kapa nila ate."

Nagpatuloy ako sa pag-iyak, hinayaan niya lang ako hanggang sa tuluyan akong kumalma. "Nabasa ko pa ang damit mo, pasensya na, ate." Sabi ko at pinunasan ang mga mata't pisngi ko. Tinulungan niya akong makatayo at pina-upo sa kama ko.

"Ikwento mo sa'kin, para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo."

"Ikakasal kaming dalawa sa isa't-isa." Nanlaki muli ang kaniyang mga mata. "Ano?" Natutop niya ang bibig niya dahil sa gulat. "Ikakasal kayo?"

Tumango ako. "Our company is facing bankruptcy. Ninakaw ang mga kagamitan namin sa factory at ninakawan din kami ng napakalaking pera."

"My parents hired someone to investigate this matter pero walang nakuhang ebidensya dahil sa sobrang linis ng pagkakagawa."

"Oh my God.."

"I'll ask my parents to help--" Umiling ako na ikinatigil niya agad. "Gustuhin ko man pero hindi kaya, ate. Umaangat na kayo at baka kayo pa ang bumagsak dahil sa pagtulong niyo sa amin."

"Ang tanging soluston ay ang ipakasal nila ako sa tagapagmana ng pinakasuccessful na kompanya sa buong mundo." Sabi ko. "Which is kay JK." Tumango ako.

"He told me to tell my parents that I don't want to marry him, kahit pa mahal ko siya."

"He has a girlfriend." Nanlaki ulit ang kaniyang mga mata. "Girlfriend?! Hindi halatang may girlfriend siya dahil sa kinikilos niya mula nung naging close na kayo sa isa't-isa."

"His actions doesn't mean anything, hinayaan ko ang sarili ko na lagyan ng meaning ang mga ito kahit alam kong masasaktan ako. I ended up hoping."

"No, kasalanan niya iyon! Umasa ka kasi nagbigay siya ng motibo!" Galit na sabi nito.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now