Chapter 5

157 28 23
                                    

#TeamBakod, para sa kaalaman n'yo po

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#TeamBakod, para sa kaalaman n'yo po... last chapter na 'to! HAHAHAHA!

Enjoy! Mag-ingay!!!

***

NAGISING ako nang maramdaman kong may mahigpit na nakayakap sa akin. It was a warm and tight hug around my waist. I could feel a warm breath brushing not too far from my chest.

Nagkusot ako ng mata at lalong napamulat dahil sa sikat ng araw na nakapasok sa aking kuwarto. Pero sa halip na dalawang kamay ang magamit sa pagkukusot nito, naramdaman kong may nakapatong sa kanang braso ko kaya't hindi ko 'to nagamit. Nang silipin ko kung anong nakapatong sa akin ay napangiti ako. Hindi pala 'ano' ang tanong pero 'sino'.

Corliss was sleeping soundly beside me. She was snuggled next to me... on my bed. We were still in our birth suits as she hugged my waist tightly. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Nasa braso ko ang ulo niya na nakaharap sa may dibdib ko kaya't ramdam ko ang paghinga niya.

Months have passed since we returned to each other's side. We were no longer just best friends. We were dating and this was real. Everything was real. My one-sided feelings for a long time have paid off.

Mahal rin ako ng babaeng matagal na matagal ko nang hinihintay at minamahal.

Napakagat ako ng labi nang maalala ang mga nangyari kagabi. Sa totoo lang, wala sa plano kong may mangyari sa pagitan namin dahil alam kong nagre-recover pa siya. I was willing to wait for her until she was okay. Kahit na abutin pa kami ng kasalan. But we did the deed and gave ourselves to each other wholeheartedly.

I just wanted us to sleep for the night and for her to relax and regain her strength. Alam kong hindi ako makatutulog nang maayos dahil magkasama kami sa kama. Hindi naman niya ako payagan na sa couch matulog dahil siya raw ang matutulog sa couch kung gagawin ko 'yon. Kaya kahit mahirap sa 'kin, tabi kaming matutulog. My girl is just too innocent... and despite of that, I love her so damn much.

When she lowered her walls completely and rested her head on me as we talked, I knew that I wanted to spend every night the same way. 'Yong lagi ko siyang mayayakap nang ganito at magkukuwentuhan kami sa nangyari maghapon at kung ano-anong bagay lang. 'Yong siya ang una kong makikita sa paggising at bago matulog. Pakiramdam ko'y makukumpleto na kaagad ang aking araw.

And the moment she gave me the go-signal, I knew I wasn't going to be able to stop myself. I made love with the most beautiful woman in this lifetime. We've branded each other and that would stay that way. No one would get in our way. We'll be stronger than ever.

And if we would meet in another lifetime, alam kong siya pa rin ang gusto kong mahalin kagaya ngayon. No questions asked. Alam kong si Lilo na talaga ang para sa akin.

Gusto ko sanang ganito muna ang aming puwesto hanggang sa magising siya pero gusto ko rin siyang ipagluto ng agahan. I want to fully take care of her.

Lose You Tomorrow (Let Me Speak Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon