24

235 7 0
                                    

Humarap ako sa mga kaibigan ko at nakita ko silang mga nakangisi, ngising aso. Inirapan ko naman silang lahat.

Papunta kami sa kwarto namin ni Miggy.

Hinablot nya ang aking maleta "ako ng magdadala" aagawin ko pa sana ngunit mabilis syang naglakad.

Pagpasok namin sa kwarto may tantra chair. Tangina bakit may tantra chair dito. (Ang tantra chair ay loveseat chair, kadalasang ginagamit sa pakikipagtalik.)

Napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Miggy "Dun ka na sa kama, dito na ko sa couch"

"H-hindi na m-magtabi na tayo" I cleared my throat "masyadong maliit ang couch para sayo at malaki din naman ang kama" utal utal kong sabi.

"Okay" nakangiti nyang sabi.

Nag ring ang phone ko at pareho kaming napatingin sa screen ng phone.

Richard calling...

I cleared my throat "excuse me"

"Oh Chad napatawag ka?"

[may naiwan ba kong usb sayo?]

"huh? wala naman, nako ha daming excuse gusto mo lang marinig boses ko"

[gaga, may hinahanap kasi kong files kasi wala ka bukas e may meeting]

"kelangan paulit ulit na wala ko bukas? miss mo lang ako daming sinasabi"

"Kai kakain daw bumaba na tayo" biglang nagsalita si Miggy

[Hoy sino yun? ikaw ha? akala ko kasal ang pinunta mo, e mukang honeymoon mo yan e]

"pinagsasasabi mo dyan, si Kie yun yung kapatid ko"

Lumapit sa harap ko si Miggy, ang braso nya ay nasa kanyang dibdib habang nakataas ang kilay sakin.

"O sya ibababa ko na lang, kakain na kami. Kumain ka na din"

Tumingin ako kay Miggy "T-tara na"

"Mag ayos ka na muna" walang gana nyang sabi.

Pagbaba namin lahat sila ay nasa lamesa na at nakatingin samen na may kasamang mga ngisi.

Nagiging hobby na talaga ng mga to ang pag ngisi.

Tumayo agad si Monroe at yumakap saken. Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita ko si Monroe. Ano pa bang aasahan ko sa gwapo ng mga Madrid malamang ganun din kaganda si Monroe.

"Buti at nakarating ka" yinakap nya ko

"Opo congrats ate" nakangiti ko ding sabi habang hinahagod ang likod nya

"Halika na dun" alok pa nya

"Nako baka si kuya Miggy ang susunod kay ate Monroe naunahan ka pa kuya Mori" pang aasar ni Mike

"Shut up!" sagot naman ni Mori

Pagbalik namin sa kwarto dumirecho ako ng banyo upang mag toothbrush at hilamos pagtapos ay humiga na ko sa kama. Ilang minuto pa ay nagbanyo na din si Miggy at humiga na din.

Medyo awkward to ghorl sa isip isip ko.

Miggy cleared his throat "sorry"

"Saan?" tanong ko, nakaharap pa din ako sa gilid at nakatalikod sa kanya.

"Kasi hindi kita pinaglaban"

"Hayaan mo na, muka ka namang masaya na ngayon. Ang mahalaga masaya na tayo" medyo bitter kong sabi, sobrang bitter pala.

Ramdam kong nakatingin sya sa likod ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lang. Maya maya pa ay nilamon na ko ng antok.

Nagising ako ng may nakadagang kamay sa aking likod, nakayakap si Miggy sakin.

Hindi ko alam kung anong iaakto ko. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Kung hindi mo kaya ko niloko kasing saya kaya tayo nila Rei kasing tagal na tayo nila Yani.

Napailing na lang ako kapag naaalala ko kung paano nya kong pinagpalit ng ganun kabilis kay Mimi.

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya saken at dumirecho sa banyo upang mag shower. Paglabas ko nakita ko syang nakaupo at nakangiti saken "akala ko nawala ka na naman nung makita kang wala sa tabi ko"

hindi ko pinansin ang sinabi nya "mag aayos na ko 10am daw kasi ang photo shoot tapos mamayang 2pm naman may practice"

Nagkita kami ni Rei sa lobby. Natapos ang photoshoot 12pm at pumunta kami sa isang seafood restaurant para mananghalian. Ang barkada kasama ang partners nila.

"Sana naman di ba nagdala kayo ng pwedeng ipareha naman sakin, muka naman akong titang sawi dito o"

"Babe tawagan mo nga si Miggy para di nag mamaktol tong si Kai" sabi ni Rei kay Mori

"Nako handa pala kong maging forever bridesmaid but never the bride, okay na okay ako"

Tumawa naman silang lahat. Napalitan ang tawa nila ng nakakalokong ngisi habang nakatingin sa aking likuran.

Pamilyar ang mabangong amoy kaya hindi na ko nag abala pang tumingin kung sino yun.

"pwede ka namang maging forever my bride" bulong ni Miggy saking tenga, sapat para marinig ng lahat.

"Ikaw lang ang walang partner dito sana tinawag mo ko" nakangiting sabi ni Miggy

"Sanay naman na kong mag isa"

"Ang pait ng hangin, amoy na amoy"- Justin

"Umorder na nga tayo"- Yani

"Anong gusto mo mahal?- Tanong ni Rome kay Chin

"Hati na lang tayo Hon hindi ko mauubos"- lambing naman ni Yani kay kuya Nick

"kung anong order mo yun na lang sakin"- sabi naman ni Justin kay Vien.

"Anong gusto mo?" tanong ni Miggy saken.

Napatingin ako sa kanya, kung dati halos kilig ang nararamdaman ko kapag tinitignan ko sya ngayon ay nalulungkot na lang ako.

"Kai" ulit nya pa

"H-ha? hipon na lang, sinigang na hipon"

Tumayo na ang mga boys, including Justin at kaming mga babae ang naiwan.

"What?" sabi ko ng mapansing nakatingin silang lahat sakin.

Umiling lang sila. Nakita ko naman si Mike, Mia at Kie na pumasok sa loob at kumaway, kinawayan lang din namin.

Pagdating ng mga lalaki nagulat ako sa dala ni Miggy. May buko juice, leche flan, buttered shrimp, sinigang na hipon, sugpo at calamares.

"Huy bakit ang dami naman nyan" tanong ko

"Kumain ka para hindi ka nangangayayat" casual nyang sabi.

Lagi na lang kitang naalala
Mula nang tayo'y di na magkita
Kung ikaw ay nagtatampo
Kailangan bang ganito
Bakit hindi natin...

Biglang may tumugtog sa paligid. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko habang ako naman ay nasamid sa iniinom kong buko juice.

Nakita naman naming palabas na si Mike na nakangisi kasama si Mia at Kie na parang nagtataka sa inaasal ni Mike.

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig

Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Sayang naman ang ating nakaraan

at nagsimula na ngang maghalakhakan ang mga kaibigan ko

Alam mong ikaw lang ang mahal
Kailangan ko ay ang tulad mo
Ngunit kung sa yo'y mawawalay
Saan ako tutungo
Bakit hindi natin...

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig

Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Sayang naman ang ating nakaraan

Sinabayan pa nga nila ang kanta. Kami naman ni Miggy ay napailing na lang.

Pinagtagpo hindi ko alam kung itinadhana (COMPLETED)Where stories live. Discover now